TAIWANESE IMPOSTOR HULI SA NAIA

NAIA

PASAY CITY – ARESTADO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Taiwanese na umano’y impostor ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pekeng Philippine passport na hawak niya.

Ayon kay Immigration Comissioner Jaime Morente, kinilala ang suspek na si Su Ping Yen, 27-anyos, at nahuli ito ng mga tauhan ng Immigration noong Linggo ng hapon habang pasakay ng eroplano papuntang Taipei.

Ang pagkakaaresto kay Su ay naisakatuparan matapos mabisto ng mga taga-immigration na ang kanyang pangalan ay nasa BI alert list, na siyang dahilan upang pigilin ito upang hindi  makalabas ng Filipinas.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), na-off load ito sa kanyang ­unang flight makaraang madiskubre ng personnel na kuwestyu­nable ang kanyang Philippine passport.

Matapos ang forensic do­cument laboratory, napatunayan ng BI na peke ang dalang pasaporte ni Su o it was confirmed that the passport is indeed fraudulent.

Ayon kay BI TCEU Chief Erwin Ortanez,  makaraang ma-off load itong si Su nagpa-book ulit siya para sa kanyang ikalawang flight gamit ang kanyang Taiwanese passport, kung saan siya dinampot ng mga tauhan ni Ortanez.

At sa resulta ng imbestigasyon, inamin ni Su na binili niya ang kanyang Philippine passport ng P3,000 mula sa kaibigan niya na hindi binanggit ang pangalan. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.