MAYNILA – KALABOSO ang isang Taiwanese matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa isang menor na babae sa Malate.
Sinalakay ng Special Mayor’s Team (SMART) ang condo unit ng suspek na si Wei Tang Yao sa lungsod ng Manila dahilan upang maaresto ito.
Ayon kay SMART chief Police Major Rosalino Ibay Jr., isang “Gina”, umano ang nagpakilala sa biktimang 16-anyos sa suspek.
Inamin naman ng suspek na kilala nito si “Gina” ngunit mariing itinanggi na ginahasa niya ang dalagita.
Nakakuha rin ang mga awtoridad ng apat na sachet ng shabu sa loob ng condo unit ni Yao.
Nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Samantala, inilagay na sa kustodiya ng SMART’s Women’s Protection Desk ng Maynila ang biktima. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.