Naaalala n’yo ba ang huling habilin?
Bago tayo umuwi mula sa Eskuwelahan natin.
Si Ma’am ay magsusulat sa Pisara ng gagawin,
Kung tawagin sa Ingles Assignment o takdang aralin.
Ito ngayon ay ipinanunukala na Iwasan nang Ipagawa,
Dapat daw wala nang Iniisip sa bahay ang mga Bata…
Pag-uwi sa Tahanan dapat kanya nang magagawa…
Bonding sa kapamilya, pakikipaglaro sa mga kababata.
Katunayan maganda ang layunin ng panukalang batas,
Para ang mga kabataan daw hindi ma-stress at mabanas.
Ang gawain sa bahay kanyang maaatupag…
nawawala muna ang ‘kaba’ kung assignment ay mahirap.
Gayunman… tayong mga lumaki sa Lumang paraan…
Assignment ay naging bahagi na ng pagsisikap…
Bago matutulog at Banig ay ilalatag…
Inihahanda rin ang notebooks, lapis at ballpen na panulat.
Kaya nga naging kontrobersiyal itong panukala…
dahil binabago nito ang nakasanayan na nga…
Ganu’n lang naman talaga sa simula….
marami ang alinlangan at nag-iisip ng masama.
Ang takdang aralin o pag-aaral sa tahanan…
kumporme na ‘yan sa may isip at katawan…
Mga estudyante na may katamaran..
Kahit pa may assignment walang pakialam
May mga Estudyante naman na kahit walang assignment,
Sa bahay ay patuloy na nag-aaral…
dahil may pangarap na mag-number one sa Eksam…
Dito dapat papasok ang Magulang at makialam..
Tayong lahat ay mga mag-aaral sa Buhay…
Nagsisimulang walang alam pawang mangmang..
Tulad sa negosyo na dapat ding pinag-aaralan..
Bago papasok sa higit na malaking pamumuhunan.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.