MARAHIL ay napapanahon na upang tayo ay magnilay-nilay sa harap na malaking problema na hinaharap ng buong mundo. Ang biglang pagsulpot ng COVID-19 ay isang sakit na hindi inaasahan ng tao.
Sa pag-usad ng teknolohiya at pagsasaliksik sa mga makabagong gamot upang mabilis mapuksa ang mga sakit at gumaling ang tao, tila naiwan tayo sa kangkungan dito sa COVID-19. Ang buong mundo ay hindi handa sa pagpasok ng sakit na ito.
Walang piinipili si COVID-19. Mayaman o mahirap na bansa ay tinamaan. Kaya naman mapapa-isip tayo kung bakit nangyayari sa atin ito. Ang kalaban ay hindi nakikita. Kakapitan ka na lang nito na hindi mo alam. Para itong maligno na sinaniban ang kalulu-wa ng tao at ang iba sa atin ay mamamatay.
Tayo ay kasalukuyang nasa kadiliman. Naghahanap ng liwanag upang makahanap ng kasagutan kung papaano matigil ang nak-amamatay na sakit.
Napanood ko sa ang isang awit ni Gary Valenciano sa YouTube na nais kong ibahagi sa inyo. Ako ay naantig sa mensahe ng kanyang awit. ‘Take Me Out of the Dark’ ang titulo ng kanyang awit. Mahigit na tatlong dekada na itong awit na ito. Isinulat ito ng Gng. Valenciano noong nasa piit siya ng malubhang sakit. Napakabata pa niya noon upang mataaman ng malubhang sakit. Lumakas ang kanyang pananampalataya dahil sa mabigat na pagsubok sa kanyang buhay. Sinagot ang kanyang panalangin at gumaling siya. Ito ang naging inspirasyon ng kanyang pagsulat ng nasabing awit.
Napapanahon ngayon ang nasabing awit ni Valenciano sa kasalukuyang nararanasan ng sambayanan. Pananalangin sa Diyos ang makakatulong sa atin ngayon. Ang pasasalamat sa Diyos at paghingi ng tulong upang mawakasan na ang sighalot na tumama sa ating mundo. Manalangin tayo na ibigay natin ang buong pusong tiwala sa kanya.
Ito ang mga titik ng ‘Take Me Out of the Dark’ ni Gary Valenciano. Basahin nating nang mataimtim upang maintindihan natin ang kahalagahaan ng buong pagtitiwala sa ating Panginoon.
“Just what is it in me? Sometimes, I just don’t know. What keeps me in your love?
Why you never let me go? And though You’re in me now, I fall and hurt You still my Lord. Please show me how, to know just how You feel.
You have forgiven me too many times, it seemed I feel I’m not what You might call a worthy Christian after all and though I love You so, temptation finds its way to me.
Teach me to trust in You with all of my heart, to lean not on my own understanding.
Guess I just forget, You won’t give me what I can’t bear. Take me out of the dark my Lord I don’t wanna be there.
You’ve never left my side. You gave your hand to me to hold you, oh Jesus. I’m no longer in the cold. And yet, I leave You there when I feel satisfied, I’d like to thank You everyday, not only when I feel that way. I’ve never known a man who’d give His life for sinners like me. And yet because He loves us so, He promised us eternity and we can have that promise and be His if we have faith and just believe. Teach us to trust in You with all of our heart. To lean not on our own understanding. We just forget, You won’t give us what we can’t bear. Take us out of the dark, my Lord, cause we don’t want to be alone. Take us out of the dark, my Lord. We don’t wanna be there my Lord. Trust in You with all of our heart and lean not on our own understanding, cause we just forget You won’t give us what we can’t bear. Just, take us out of the dark, my Lord, cause we don’t want to be alone. Take us out of the dark, my Lord we don’t wanna be there”.
Comments are closed.