Ayon sa Tala, gamit ang tamang impormasyon, makagagawa ng matalinong desisyon tungkol sa kanilang buhay pinansyal ang mga konsyumer at makaiiwas sila sa mga online lending scam.
.
Laganap pa rin ang online scams na maging ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nagbigay na rin ng babala sa publiko na paigtingin ang pagiging alerto laban sa mga online scammer.
Ayon sa Pangulo, ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang sarili kontra online scammers ay ang pagiging konsyumer na may sapat na kaalaman. Kasabay nito, patuloy ang pagtugis ng gobyerno sa mga pasimuno ng online scams lalupa’t nagiging mas mapamaraan na ang scammers sa kanilang mga diskarte upang makapanloko ng mga tao.
Sang-ayon naman ang FinTech company na Tala sa naging pahayag ng Pangulo, kaya naman patuloy rin sa pagpapalakas ang kumpanya sa kanilang layunin na isulong ang financial literacy sa bansa.
“Kami sa Tala ay tuloy-tuloy sa pagbabahagi ng mga kapaki-pakinapang na impormasyon kung paano matutukoy ang mga scam. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng tamang impormasyon sa tamang pagkakataon, makaKAgawa ng mga matalinong desisyon tungkol sa kanilang buhay pinansyal ang mga Pilipino. Ang importante ay ma-protektahan nila ang kanilang sarili laban sa mga online lending scam,” sabi ni Tala Senior Director for Global Customer Experience Operations Iona Iñigo-Mayo.
Dahil walang tigil ang mga online scammer sa pagbuo ng mas malikhaing paraan para ma-scam ang mga konsyumer, mahalagang alam ng mga humihiram ng pera kung paano matutukoy ang mga online scammer. Narito ang ilan sa mga payo mula sa Tala para makaiwas sa online lending scam:
Piliin mga rehistrado at regulated na kompanya. Siguruhing bisitahin ang mga opisyal na website at verified na social media pages ng mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Securities and Exchange Commission (SEC), para malaman kung aling mga kompanya ang regulated. Piliing mabuti kung alin ang mga financial at lending company na may magandang record sa BSP at SEC para makahiram ng pera at iba pang financial products at services. Alamin kung ang mga kompanyang ito ay sumusunod sa mga legal guidelines, tulad ng mga recommended na interest rates.
Bago mag-download ng opisyal na mobile application, tingnan ang mga review ng ibang humiram ng pera. Ito ay para makuha ang pananaw ng isang borrower sa reputasyon at serbisyo sa customer ng isang lender. Suriin ang mga review online o humingi ng mga rekomendasyon sa iyong mga kaibigan o pamilya. Para sa mga lending platform na gumagamit ng mobile application, siguraduhing ang mga rating at review ng mga user sa Google Play ay maayos at kapani-paniwala.
Huwag kailanman ibahagi ang anumang sensitibong impormasyon. Huwag basta-basta magbigay ng sensitibo at personal na impormasyon tulad ng buong pangalan, contact number, password, at one-time PIN ng mga digital banking app sa sinuman, kahit sa iyong mga kaibigan, at lalo’t higit sa hindi naman personal na kakilala.
Maging maingat sa mga kahina-hinalang mensahe. Iwasan ang pagbabasa at pag-click sa mga kaduda-dudang text message, online chat, at email mula sa hindi kilalang tao at organisasyon. Makipag-usap lamang sa mga opisyal na mobile application o website.
Maging maingat sa mga hindi kilalang tumatawag. Maging alerto kapag sumasagot ng tawag, lalo na kung mula ito sa mga hindi kilalang numero at international hotline. Madalas gumamit ng pekeng phone numbers ang mga scammer o pekeng numero. Kapag tinawagan muli ng recipient ang numero, sila ay maikokonekta sa isang premium rate na numero at sisingilin ng mataas na bayad para sa tawag. Siguraduhing ang kinakausap ay gumagamit ng opisyal na email ng mga digital na platform na iyong pinagkakatiwalaan. Madalas ay mayroon ang mga rehistradong lending company ng sarili nilang email domain at nakalista ang kanilang mga numero sa mga website.
Alamin ang mga karapatan bilang isang borrower. Ang Financial Consumer Protection Framework ng BSP ay nagsasaad na ang mga financial provider ay dapat na “magsagawa ng etikal na mga kasanayan sa negosyo at hindi makisali sa mga kasanayan na maaaring makapinsala sa mamimili.” Ang mga borrower na naniniwala na sila ay inabuso, niloko, at biktima ng pandaraya ay maaari ring magsumite ng kanilang mga reklamo sa Consumer Assistance Channels ng BSP o sa Complaints Page ng SEC.
Maging mapanuri at manatiling may kaalaman. Maging updated sa mga lumalabas na teknolohiya at uri ng scam tulad ng phishing at vishing sa pamamagitan ng mga balita, babala, at gabay mula sa pamahalaan, mga bangko, at iba pang may kagalang-galang na institusyon. Ang mga gabay ng BSP sa mga paksang ito ay user-friendly, at kapaki-pakinabang.
Nauna na ring sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na kailangan maging labis na mapagmasid, labis na maingat, at maging aware din sa mga bagong teknolohiya at mga bagong paraan na maaaring gamitin para maiwasan ang pagiging biktima ng online scam. Nananatili tin namang isa sa mga pangunahing layunin ng Tala na makapagbigay ng sapat na kaalaman sa buhay pinansyal ng mga Pilipino.
Nagbabahagi ang Tala sa kanilang website at social media pages ng iba’t ibang impormasyon na makatutulong sa mga humihiram ng pera upang malaman kung ano ang tamang proseso sa panghihiram ng pera, at mga paraan kung paano matutukoy kung alin ang scam. Kaisa rin ng gobyerno ang Tala sa pagtugis sa mga illegal lender.