Tala, suportado ang BSP at si Sen. Tulfo sa kampanya laban sa Sangla-ATM

IPINAHAYAG  ng global digital lending platform na Tala ang suporta nito sa kampanya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ni Senador Raffy Tulfo laban sa mga mapanamantalang sistema ng pagpapahiram ng pera tulad ng “Sangla-ATM” scheme na lalong nagpapahirap sa mga Pilipinong may problemang pinansyal. Ang panukalang ito ay alinsunod sa kakulangan na rin ng mga batas hinggil sa patuloy na pananamantala sa mga Pilipino pagdating sa usaping pagpapautang.

Sa sistema ng Sangla-ATM, isinisangla o ginagamit bilang kolateral ng mga humihiram ng pera ang kanilang mga ATM card sa mga informal financiers. Karamihan sa mga nabibiktima ng Sangla-ATM scheme ay mga senior citizen na buwanang nakakatanggap ng pensyon mula sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS), pati na rin ang mga manggagawang maliit lamang ang kita. Kadalasang walang pinipirmahang kontrata o kahit na anong pormal na kasunduan kaya naman hirap na magsampa ng pormal na reklamo sa kinauukulan o sa korte ang mga nabibiktima.

“Loans should help, not hinder, borrowers from making productive use of their money,” sabi ni Bianca Villarama, Director for Regulatory and Privacy ng Tala. “Sangla-ATM loans, which require borrowers to surrender their ATM cards and to share their ATM security codes, prevent borrowers from using their money freely and safely. Tala believes that borrowers should be trusted and empowered to make good financial decisions to improve their lives. Tala supports the government’s campaigns to restrict lending practices that physically put borrowers’ property in the hands of untrustworthy lenders.”

[Ayon sa Director for Regulatory and Privacy ng Tala na si Bianca Villarama, “Ang loans ay dapat na makatulong at hindi makahadlang sa mga humihiram para magamit nila ng maayos ang perang nahiram.” Dagdag pa ni Villarama, “Sa sistemang ito kung saan kailangan nilang i-surrender ang kanilang ATM card at ang security code nito, napipigilan ang mga humihiram ng pera na ligtas at malayang magamit ang kanilang pera. Naniniwala ang Tala na karapat-dapat na magkaroon ng tiwala at kapangyarihan ang mga humihiram ng pera na makapagdesisyon sa kung paano nila mapauunlad ang kanilang mga buhay. Sinusuportahan Tala sa kampanya ng pamahalaan para pigilan ang mga mapanamantalang sistema ng pagpapautang na nagiging dahilan para malagay sa alanganin mga mga ari-arian ng mga humihiram ng pera.”

Ayon sa 2022 Consumer Expectation Survey na isinagawa ng BSP, 2.6% ng mga Pilipino ang piniling gamitin ang sangla-ATM bilang paraan ng paghiram ng pera dahil sa dalawang rason: mabilis i-release ang loan at walang mga mahahabang dokumento na kailangang tapusin at ipasa. Lumalabas din sa parehong survey na ilan pa sa mga dahilan kung bakit napipilitan ang ilan na humiram sa mga kalauna’y lumalabas na mga may mapanamantalang sistema ay dahil nahihirapan silang kumpletuhin ang mga hinihinging requirement, pati na rin ang kawalan ng guarantor, pirming trabaho, at credit history.

Patuloy na nagbababala ang BSP sa publiko sa mga panganib na dulot ng sangla-ATM. Kabilang na rito ang identity theft at fraud, na maaaring magresulta sa hindi awtorisadong paggamit ng personal data at bank account details ng mga humihiram na posibleng gamitin sa mapanloko at kriminal na gawain.

Kamakailan ay nanawagan din si Senador Raffy Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa senado tungkol pa patuloy na paglaganap ng mga sistemang tulad ng sangla-ATM sa mga SSS at GSIS pensioners. Aniya, nasasamantala ng ganitong sistema ang senior citizens napipilitang kumuha ng loan dahil sa mga pangangailangang pinansyal.

Sa kanyang privelege speech sa plenary session sa senado noong February 27, sinabi ni Sen. Tulfo na tinitingnan niya ang posibilidad na makapagpasa ng batas sa pagbabawal o pag-regulate sa paggamit ng SSS o GSIS pension ATM card bilang kolateral, at pagpapataw ng kaukulang parusa sa mga lalabag rito.

Naniniwala si Sen. Tulfo na dapat nang matigil ang mga ganitong sistema dahil sa mga posibleng panganib na maidudulot niyo. Aniya, kailangan ang tulong ng pribadong sektor sa pagpuksa ng mga ganitong gawain kabilang na ang pagbibigay o pagkakaroon ng mga alternatibong paraan na walang kaakibat na anumang panganib para sa mga nangangailangan.

Isang mabisa, ligtas, at mapagkakatiwalaan platform para sa mga Pilipinong kailangan ng mabilis at siguradong mapaghihiraman ng kinakailangang halaga ay ang Tala. Kahit ang mga Pilipinong walang magamit na kolateral ay maaari ring makapag-apply ng loan sa Tala, at may kalayaan ang mga humihiram na pumili ng paraan ng pagbabayad pati na rin kung hanggang kailan nila ito kayang mabayaran ng buo.

Gamit ang bagong Tala loans, makasisiguro ang mga humihiram ng pera sa seguridad ng platform na kanilang ginagamit, malinaw ang mga alituntunin at kondisyon ng paghiram ng pera, at patas ang paraan ng pangongolekta ng bayad sa utang.

“Tala offers loans to Filipinos through a convenient, accessible and transparent digital lending platform. We are committed to ensuring that our customers can safely borrow, save and control their money so that they live with financial agency,” ayon kay Villarama. “With Tala, Filipinos no longer have to turn to sangla-ATM lenders, loan shark syndicates, and other informal lenders to address their most pressing financial needs.”

[Nagpapautang ang Tala sa mga Pilipino gamit ang platform na madaling gamitin, ma-access, at tapat. Layunin namin na siguruhin na ang aming customers ay ligtas na makahiram, makapag-ipon, at magkaroon ng kalayaan sa paggawa ng desisyong pampinansyal na naaayon sa kanilang mga pangangailangan, “ ayon kay Villarama. “Sa Tala, hindi na kailangan ng mga Pilipino na isangla ang kanilang mga ATM card o manghiram sa mga loan shark para lamang matugunan ang kanilang mga pangangailangan pinansyal.”