GOOD day mga kapasada!
Bagong Taon, panibagong pagsisikap para sa kapakanang pangkabuhayan ng pamilya.
Mahalaga po ang paksang ating tatalakayin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber.
Unawain at isadiwa ang bawat violation na magsasadlak sa inyong sasakyan sa buntunan (impounding) kung kayo ay lalabag sa DOTCr-LTO Memorandum Circular 89-105.
Nakatadhana sa Sec. 73, MC 89-105 ng DOTCr-LTO na ang mga sumusunod na violation shall cause the impounding of a motor vehicle ay gaya ng sumusunod:
Unregistered/improperly registered/delinquent or invalid registration.
Gayundin ang unregistered substitute or replacement motor, vehicle engine, engine block o kaya ay chassis.
PAGPAPALIT NG KULAY O CONFIGURATION
Sakaling hindi na maganda sa inyong pangmalas ang kupas na kulay, nanggigitatang kalawanging body ng inyong sasakyan at gusto ninyong mag-ing maganda sa pangmalas ng inyong pasahero para maakit na sila ay sumakay, narito ang dahilan kung bakit dapat ma-impound tulad ng mga sumusu-nod:
- Walang pahintulot na pagpapalit ng kulay o configuration.
- Pagpapatakbo, pagpapahintulot na ipamasada ang isang sasakyan na suspendido o revoked ang certificate of registration (CR).
- Paggamit ng license plates na hindi tugma sa body number ng sasakyan.
- Ilegal na paglilipat ng plaka (plates), tags o kaya ay stickers sa ibang sasakyan.
- Paglabag kaugnay sa kawalan ng required parts, accessories o devices o kaya ay defective ang parts, accessories or devices na magsasapanganib sa buhay ng mga tao.
- Authorized route na hindi properly painted.
- Unauthorized/improvised number plates.
- Pagkabigong isulat (paint) sa sasakyan ang business name o kaya ay ang trade name sa itinalagang bahagi ng sasakyan.
- Pagkabigong isulat (paint) ang mga kahingiang marka (markings).
- Walang body number (for PUV).
- Paggamit ng radio o kaya ay stereo bilang paglabag sa umiiral na regulasyon o walang kaukulang permiso, o paglabag sa kondisyon na nakalagay sa umiiral na permiso (permit regulations).
- Paglalagay (installation) ng jalousies, curtains, dim colored lights, sterobe lights, dancing lights o mga kauring ilaw, colored tinted or painted windshield sa window glass sa mga for hired vehicles.
KARAGDAGANG VIOLATIONS PARA MA-IMPOUND ANG SASAKYAN
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ayon sa nakatadhana sa Sec. 73, MC 89-105, na ang mga sumusunod na paglabag ay magiging dahilan din para i-impound ang inyong sasakyan tulad ng:
- Pagmamaneho ng walang license plate.
- Paggamit ng fake drivers license/TVR.
- Pekeng sticker.
- Pekeng license plate.
- Peking Official Receipt and Certificate of Registration (OR/CR).
- Tampered documents kaugnay sa prankisa, registration at licensing.
- Pagkabigong makapagpakita ng anumang dokumento kaugnay sa Motor Vehicle ATTA.
- Paglabag (breach) sa kondesyong nakasaad sa prankisa.
- Improper na paggamit ng lisensiya sa pagmamaneho.
- 10.Expired driver’s license at expired traffic violation receipt (TVR).
PAANO TUTUBUSIN ANG MGA NAKUMPISKANG PLAKA NG SASAKYAN
Ayon sa LTO, ang plaka ng sasakyan ay siyang pagkakakilanlan (identity nito.)
Tinatawag din ito bilang vehicle registration plate o a number plate na karaniwang gawa sa metal o kaya ay plastic plate na nakakabit sa sasakyan.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), maging ang ibang mga bansa ay kinakailangan ang ganitong uri ng registration plates at isa rin bilang identifier specific to a purpose, tulad ng car type at sasakyang pampasahero.
Ipinaliwanag ng LTO na dito sa Filipinas, ipinagkakaloob ang vehicle license plates at regulated sa pamamagitan ng Land Transportation office (LTO).
Ang LTO ang tanging government agency sa ilalim ng Department of Transportation ang binigyang karapatan na mag-isyu nito.
Binigyang diin ng LTO na ang license plate ay kailangang malinaw na nakakabit sa alinman sa unahan o sa hulihan ng sasakyan.
Ayon pa sa LTO, kapag nakumpiska ang vehicle plate number, o hangga’t hindi pa naibabalik sa may-ari ng sasakyan ang kinumpiskang plaka ay mananatili itong walang identification and nothing more.
MAAARING KUMPISKAHIN ANG LICENSE PLATE
Sa Filipinas, ang license plate ay ipinagkakaloob (issued) and regulated sa pamamagitan ng Land transportation Office (LTO) sa layunin na mabigyan ang lahat ng drivers na magamit ang ating pambansang road network.
Kung walang official registration ang sasakyan, nangangahulugan itong walang official na nagmamay-ari at walang karapatan o pahintulot ang ahensiya ng transportasyon na ito ay makapaglandas sa mga lansangan.
Bukod sa official receipt at sa certificate of registrastion, ang license plate ng sasakyan ay siyang pinakamahalagang ebidensiya na ito ay nakarehestro sa LTO.
Ipinaliwanag ng LTO na ang car plate sa Filipinas ay maaaring kumpiskahin (confiscated) gaya ng nakatadhana sa Memoramdum Circular No. 2018-2132 na ipinalabas ng LTO noong Pebrero 2018.
Nakasaad at ipinatutupad ng LTO na sa anumang oras, ang Assistant Seceretary at ang kanyang deputies ay maaaring suriin (examine) at ma-check ang isang sasakyan.
Layunin ng pagsusuri (check) ng sasakyan ay upang alamin kung ano ang registration status, alamin kung ito ay improperly marked ang mga kagamitan, o hindi ito angkop para gamitin (operated).
Ang ramdom spot check ay maaaring suriin din ang sasakyan kung ito ba ay nakapasa sa acceptable emission standards.
KAILANGAN SA PAGTUBOS NG CONFISCATED PLATE
Instruksiyon ng LTO, bago tubusin ang kinumpiskang plate ng sasakyan na kailangang maihanda ang mga sumusunod na dokumento para mapadali ang transaksiyon tulad ng:
- Kumuha ng pink copy ng Temporary Operator’s Permit (TOP), sakaling ang TOP ay nawala, o kaya ay affidavit of Loss TOP.
- Ang isa sa mga dokumento na kailangang mong maipakita sa LTO ay isang photocopy ng Certificate of Registration (CR).
- The unit verification from the Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) at photocopy ng Decision at/Certificate of Public Convenience (CPC) kung ang sasakyan ay for hire.
- Resolution o hatol (judgement) mula sa Traffic Adjudication Service (TAS).
- Official receipt na magpapatunay na ang lahat ng multa/o kailangang bayarin ay nabayaran ng lahat.
- Isang sipi (copy) ng Motor Vehicle Inspection Report (MVIR).
- Katibayan (certificate) ng Emission Compliance (CEC) at
- Certifiacte of attendance o resulta ng exam.
PARAAN SA PAGTUBOS NG NAWALANG PLATE NG SASAKYAN
Kung may kaguluhan sa isipan kung papaano tutubusin ang nakumpiskang plaka ng sasakyan, sundin ang mga step by step na gabay tulad ng:
- Magtungo sa LTO office o sa pinakamalapit na sangay (branch) nito na kung saan ka nahuli at tinanggalan ng plaka.
- Ihanda at ipakita ang pink copy ng Temporary Operator’s Permit (TOP) kasama ang lahat ng mga kinakailangang nabanggit sa unahan sa na-katalagang evaluator.
- Bibigyan ka ng Notice of Hearing na may lagda ng nakatalagang opisyal. Ito ay nagtatadhana ng petsa at oras ng naka-schedule na pagdinig (hear-ing).
- Ang driver o ang operator ay kailangang ipakita ang lahat ng kinakailangang documentation at ang mga katibayan to warrant the violation na na-katala sa TOP to be dismissed.
- Bayaran ang lahat ng multa (fines and penalties) na ipinataw na parusa at,
- Kung ang lahat ng mga paglabag ay naayos ng lahat, ang nahuling driver ay kailangang magtungo sa Law Enforcement Custodial Section (LECS) o sa Releasing Officer upang kunin ang nakumpiskang license plate.
Sa panahon ng pagbawi, ang driver o operator ay kailangang isurender ang mga sumusunod:
- ang pink copy ng Temporary Operator’s Permit (TOP).
- Resolution or ang final judgement.
- Official receipt ng lahat ng mga pinagbayaran ng multang ipinataw.
- Photocopy ng OR o CR ng sasakyan.
Sa mga kapasada, unawaing mabuti ang mga payong pinagsikapan nating saliksikin sa tanggapan ng Land Transportation Office para sa inyong ikauunawa at ikaluluwag ng paglutas kung kayo ay naging biktima ng paksang ating tinalakay.
KAHALAGAHAN NG DRIVER’S LICENSE
Sa ilalim ng ating batas, R.A. 4136, hindi tayo puwedeng magpatakbo ngh anumang sasakyan nang walang lisensiya maliban na lamang kung tayo ay handang magmulta at makulong tuwing tayo ay mahuhuli likha ng kinasangkutang traffic violations.
Ang intension ng pamahalaan sa pagbibigay ng lisensiya ay isang pagpapatunay na tayo ay may sapat na kaalaman at kakayahan sa pagmamaneho uang matiwasay.
Kaya nga’t tayo ay magdadaan muna sa pagiging student drayber bago makakuha ng driver’s license bilang isang ganap na drayber.
Gaya nang malimit nating banggitin, ang pagmamaneho ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. Ang lisensiya ay kailangang dala natin (at ang papeles ng rehistrasyon ng ating dalang sasakyan ay kailangan namang nakapaskel sa windshield) tuwing tayo ay magpapatakbo ng sasakyan.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa akidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.