TALENTONG WORLD-CLASS

WORLD-CLASS

SA ILANG buwang preparasyon, 20 composers mula sa iba’t ibang bansa ang nakiisa at nagtungo sa world-famous Banaue Rice Terraces upang mabatid ang kultura ng Ifugao, maintindihan at ma-appreciate nila ito.

Ayon ka Dr. Milagros Ong-How ang  Chairman and Universal Harvester, Inc. President at CEO, nakatanggap sila ng 84 entries nito lang Abril 18, mga composition na ga­ling sa Chile, Spain, the United States, Israel, Italy, Slovenia, Germany, China, Japan, South Korea, Belarus, Canada, Finland, Malaysia, Russia, Australia, Greece, Norway, Cyprus, Sweden, Singapore, Brazil, Cambodia, Hungary, Germany, Poland, Indonesia, Thailand, Ukraine, Austria, Armenia, at sa Filipinas.

Mula 84 na entries ay pumili sila ng 20. At mula naman sa 20 composer na nakapasok, bababa pa ito ng 10. Gagana­pin ang pagpili sa 10 semi-finalist sa Banaue Hotel. At ang mapipili ay magpe-perform sa Grand Finals Night na gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa Cultural Center of the Philippines sa darating na Hulyo 25 nang taong ito.

Ang 20 composer na nakapasok ay sina Christian Joshua Padre Ansale (Tugtugin para sa mga Supling ng Pinagsapin-saping Lupa), Jan Neland Cabuguas (Beyond the Mountain), Jimuel Dave Dagta (Pagpapanumbalik) at Jem Robert Bautista Talaroc (Kabunyan) mula sa Filipinas, Bracha Bdil (Water Steps), Avner Finberg (Pugaw) at Eteri Kourbanov (Hymn to Nature) mula Israel; Theodoros Broutzakis (Symphonic Suite “Archipelagos”); Miran Tsalikian (Crossing the Rice Terraces ) mula Greece; Caterina Di Cecca (From Wonder into Wonder. Green Steps to the Sky), Michele Masin (Symphonic Poem: The Rise of Banaue), Stefano Giannotti (The Ifugao Cloud) at Alessandra Salvati (Hudhud) mula Italy; Jonathan Feasey (Shaw) (The Hills of Banaue) mula UK; Leon Firŝt (The Story of Ifugao) mula Slovenia; Lee Jinjun (Terraces) mula Singapore; Raquel Sanchez Martínez (Banaue Symphony) at Eduardo Soutullo Garcia (Lightning Storms on the Terraces) ng Spain; Mario Alfredo Oyanadel Guiñez (The Harvest of the Rice) mula Chile; at Charlie McCarron (Balitúk: The Divided Child) mula USA (Minnesota).

WORLD CLASS
Banaue International Music Composition Competition (BIMCC) Chairman and Universal Harvester, Inc. President and CEO Dr. Milagros O. How (front row, center) kasama ang BIMCC organizers (front row, L-R) BIMCC Coordina-tor Luchie Roque, BIMCC Artistic Director Maestro Chino Toledo, Banaue Terrac-es Restoration Project Manager General Jaime De Los Santos, at Municipality of Banaue Mayor Jerry U. Dalipog. Kasama rin sa litrato ang 20 In-ternational Composer-Fellows mula Chile, Greece, Israel, Italy, Singapore, Slovenia, Spain, UK, USA at Filipinas.

 

“Through music, we are sending a strong message to the public and the world about the beauty and culture of the Banaue Rice Terraces. We hope to draw out attention from Filipinos to help restore our famous World Heritage site and the ecosystem that thrives in and around it,” pagbabahagi pa ni BIMCC Artistic Director Professor Chino Toledo.

“All the Banaue-inspired compositions that we received from composers from all over the world signify how different cultures can relate to and work on a common goal of preserving an international treasure, as well as the diversity and rich heritage surrounding it,” dagdag naman ni Toledo.

Matagal nang adbokasiya ng Universal Harvester, Incorporated (UHI) ang pagtulong sa mga magsasakang Filipino. “Our work on the Banaue Rice Terraces Restoration Project also calls attention to the need for greater support to the agricultural sector. UHI formed our advocacy arm under TOFARM to push for the advancement of the Philippine agriculture and to recognize farmers as the country’s heroes. Through these activities, not only are we unlocking potentials and boosting productivity, but also preserving our heritage as Filipinos,” paliwanag ni Dr. Ong-How.

Maraming dahilan kung kaya’t nasisira ang mga yamang ipinagmamalaki ng bansa. Gaya na lamang ng nangyari sa Banaue Rice Terraces. Ilan sa dahilan sa pagkasira nito ay ang soil erosion at degradation, land abandonment at kakulangan ng inte­res sa pagsasaka.

Ayon sa local government ng Banaue, kulang-kulang 600 hectares ng site ay abandonado dahilan kung kaya’t maaari itong matanggal sa UNESCO World Heritage Sites. At para maiwasan ang pagkakatanggal nito sa listahan, ginawa ang Banaue Rice Terraces Restoration Project na ang layunin ay ang ma-restore at ma-conserve ang biodiversity at cultural practices ng nasabing lugar. Isa sa component ng lugar ay ang pagpapaalam sa public ng pangyayari at ang paghimok ditong makiisa at suportahan ang Banaue In-ternational Music Composition Competition (BIMCC).

Ang kauna-unahang BIMCC Grand Prize winner ay makatatanggap ng US$12,000 samantalang US$6,000 naman ang matatanggap ng dalawang runners-up.

Maaari rin namang sumuporta ang publiko sa pamamagitan ng pagkuha ng donor seats sa Grand Finals. Ang presyo ay mula Php1,000 hanggang  Php5,000. Ang malilikom sa event ay gagamitin sa pagre-rehabilitate at pagre-restore ng rice terraces na sisimulan sa Barangay View Point, Banaue, Ifugao.

Comments are closed.