TALO SA ARGUMENTO KAY MISIS, MISTER NAGBIGTI

BIGTI

MALABON CITY – WINAKASAN ng isang mister ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti makaraan ang mainitang pagtatalo nila ng kanyang misis sa Malabon City, kamaka­lawa ng gabi.

Hindi umabot ng buhay sa Ospital ng Malabon ang biktima na nakilalang si Rey Tanabe, 48, online seller ng Dumpsite, Brgy. Catmon.

Sa isinagawang imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy, dakong alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang pamangkin na si Eugene Tanabe, 31, na nakabigti ng nylon belt sa loob ng kanilang bahay.

Agad pinutol ni Eugene ang nylon belt saka mabilis na isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang insidente, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at kanyang asawang si Claire.

Ayon sa kanilang 10-anyos na anak na babae, madalas magtalo ang kanyang mga magulang dahil sa selos. EVELYN GARCIA

2 thoughts on “TALO SA ARGUMENTO KAY MISIS, MISTER NAGBIGTI”

  1. 651156 880985 I discovered your blog web site on google and check a couple of of your early posts. Continue to maintain up the very good operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 466616

  2. 234655 42934Right after examine a couple of with the weblog posts inside your internet site now, and I truly like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and may possibly be checking back soon. Pls take a appear at my web site as effectively and let me know what you feel. 69679

Comments are closed.