TALYER MENTOR SA PILIPINO MIRROR

ANG KOTSE, pagkatapos ng house and lot ang isa malaking purchase na ginagawa ng isang pamilya o individual, mas madalas na ito ay pinapangutang sa mga banko sa pamamagitan ng bank financing o hindi naman kaya ay sa mismong casa kung saano ito binili na tinatawag namang in-house financing. Tayong mga Pilipino ay hindi lamang praktikal kung hindi ay mapag-alagang mga may-ari din ng sasakyan. Ang average na tinatagal ng mga sasakyan nating mga pinoy ay umaabot ng 10 hanggagn 15 na taon bago ito ibenta, i-trade-in or ipamana sa mga anak, kapamilya o kaibigan. Pinapangalanan pa nga natin ang mga ito. Sa pamilya naming mag-asawa ay nagdaan sina Cressida, Zaggy, Adam, Phoebe, Rafael, Cammy, Andy at Vangie, na bagama’t hindi nagkasabay-sabay sa aming mga garahe ay nagdadala ng mga mga magagadang ala-ala tuwing nabaganggit ang kanilang mga pangalan.

Kaya naman, salamat sa pag-anyaya at pagpaunlak ng butihing pamunuan ng PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo, inyong binabasa ang kauna-unahang issue ng Talyer Mentor sa pahayagan at sa online. Ang kolum na ito ay para ito sa ating mga nagma-may ari ng sasakyan, maaring pang negosyo o pang sariling gamit, mga may-ari at mga nagtatrabaho sa mga talyer o casa, mga nanga­ngarap na magkasasakyan o magkaroon ng sariling pagawaan nito, at sa mga daang libong Pilipinong nagtatrabaho sa larangan ng paggawa ng sasakyan, kahit saang panig man kayo ng mundo.

Adhikain ng kolum na ito, ang makapagbahagi ng mga napapanahon na pagtalakay sa isyung may kinalaman sa pag maymay-ari, paggawa at panganga­laga ng mga sasakyan.

Ako ang inyong Kuya Mark, ang inyong Talyer Mentor, ay mahigit dalwang dekada nang naghaha­napbuhay sa automotive industry, na mula sa pagkakabit ng piyesa ng mga sasakyan sa planta noon, ngayon ay nasa pagpapalaganap ng isang prangkisa ng pagawaan ng mga sasakyan na tinatawag na casa alternative.

Kaya naman, muli, malaking pasasalamat sa ating mga kasama sa PILIPINO Mirror sa pagkakataon na ito at samahan ninyo ako sa biyahe na ito.

PRAKTIKAL MAGPACASA-MAINTAINED

Katulad ng aking nabanggit, mga praktikal tayong may-ari ng mga sasakyan. Dahil kung 10-15 na taon nating aalagaan ang ­ating mga sasakyan, ganoon din katagal natin etong kaila­ngang ipa-maintain at ipa-repair kung kina­kailangan. Ang factory warranty ng isang sasakyan ay tumatagal ng tatlo hanggang limang taon, o 100K kilometers, at kung susundan natin ang mga datos, bago pa man matapos ang factory warranty ay lumalabas na ng casa ang karamihan ng mga may-ari ng sasakyan para sa pag-me-maintain at pagpapagawa sa mga ito. Sa punto pa lamang na ito ay gusto ko ng sabihin ng maliwanag, praktikal na magpa-casa maintained habang ang ating mga sasakyan ay under warranty pa. Maraming dahilan para dito, subalit sa kabuuan, mas makakamura ka magpa-maintain sa casa kapag ang sasak­yan mo ay under 100K kilometers pa lamang. Bakit? Ang dahilan kung bakit nagtatakda ang mga manufacturer ng 3-5 years at 100K na warranty sa kani­lang mga sasakyan ay dahil sa kung may mga hindi inaasahan na depekto ang mga sasak­yan na ginawa nila, eto ay maaaring lumabas sa panahon na iyan. At bilang praktikal na nagmamay-ari ng mga sasakyan, gusto natin na maipakita na maa­yos natin namemaintain ang mga sasakyan at maaari tayong makinabang sa mga kung anumang recalls o technical service bulletins (na tatatalakayin natin sa mga susunod na mga isyu ng kolum na ito), dahil sa oras na ipagawa at ilabas mo na ito ng casa, maaari na din ma-void ang warranty nito.

Sa mga susunod na isyu, susubukan pa natin palawigin ang mga benepisyo ng pagpapa-casa maintained ng mga sasak­yan. Samantala, maaari kayong magpadala ng mga katanungan sa aking email sa [email protected].