NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer kaugnay sa paggawad ng overtime (OT) pay sa mga trabahador maging anuman ang status ng mga ito.
Sa datos ng kagawaran, karaniwang natatanggap na reklamo ay ang angkop na OT pay.
Gayuman, ang usapin ng pagbibigay ng OT ay hindi lamang alinsunod sa mga panuntunan ng DOLE dahil mayroon ding espesyal na kasunduan sa pagitan ng empleyado.
Mayroon kasing pumapasok na dapat tapusin ang walong oras at kung lalampas ay overtime na.
Mayroon ding Lunes hanggang Biyernes o kaya naman Lunes hanggang Sabado, depende sa patakaran.
Karaniwan nang patakaran, ang nasa regular status kapag pumasok ng regular holiday at nabuo.ang walong oras, ang take home pay ay 200%. Habang ang mga hindi ay depende sa itinagal ng kanyang trabaho kapag regular holiday.
Kahit hindi naman pumasok kapag regular holiday at regular status, buo pa rin ang suweldo.
Wala namang matatanggap kung absent ang nasa “no work, no pay” status.
Ang Special Holiday naman ay may dagdag na 30% depende sa kanyang daily rate at oras na ipinasok.
Iba naman ang OT pay ng nasa grave yard.
Para sa mas malinaw kung tama ang tinatanggap na OT pay, konsultahin ang patakaran ng DOLE sa pasahod noong Pebrero 9 at 10, 2024, na pawang idineklarang non-special holiday dahil sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Ang Labor Advisory No. 1, Series of 2024 ay alinsunod sa Proclamation No. 368 na nagdedeklara sa Pebrero 10 bilang isang special (non-working) day bilang pagdiriwang sa Chinese New Year at Proclamation No. 453 na nagdedeklara sa Pebrero 9 bilang karagdagang special (non-working) day sa buong bansa.
Dahil non-special holiday ang nasabing mga petsa, kung pumasok at natapos ang tour of duty ng walong oras, may OT pay na tig-30% bawat isang araw o kabuuang 60% ang overtime pay.
EUNICE CELARIO