NAGKALAT na ang pambabatikos sa ating gobyerno sa traditional media at social media tungkol sa laban natin sa Covid-19. Hindi ko masisisi ang ilan sa atin. Talaga naman kasing nakagigimbal ang kakaibang pagtaas ng bilang ng kaso ng nahawahan at namatay sa nasabing sakit.
Sa loob lamang ng tatlong linggo, lumagpas sa bilang ng 10,000 ang nahawahan ng Covid-19 kada araw.
Ang mas nakakatakot ay umabot ng mahigit limang daan ang binawian ng buhay dahil sa nasabing virus.
Hindi na biro ito. Kaya naman ang ating pamahalaan ay napilitan na magdeklara muli ng enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.
Nitong linggo ay ibinababa na sa MECQ o modified enhanced community quarantine. Sa pamamagitan nito, uma-asa ang ating gobyerno na mapigilan ang paglala ng Covid-19 sa paglimita ng mga tao sa lansangan at sa mga matataong lugar.
Mahirap ang sitwasyon ng pamahalaan ni Pangulong Duterte. Kaliwa’t kanan ang batikos sa kanya. Wala raw mabuting ginawa upang masugpo ang Covid-19. Hindi raw siya makita. May mga akusasyon pang pangungurakot sa pag-angkat ng bakuna laban dito mula sa DoH. May isyu pang may mga alternatibong gamot na maaring panlaban sa Covid-19 na hinaharang ng FDA dahil maliit daw ang posibleng kick-back nila dito.
Ang mga ito at maraming pang isyu na kaugnay na umano’y palpak na pamamahala ng ating gobyerno ang patuloy na napapanood, nababasa, at napakikinggan natin sa lahat ng uri ng pamamahayag. Pati sa viber, Instagram at twitter ay bumabaha ng batikos laban sa ating pamahalaan.
Naaawa ako sa pamahalaan na ito. Wala namang may alam na magkakaroon ng ganitong pandemya. Sabi ko nga, siguro kahit na sino pa ang nanalong pangulo noong nakaraang 2016 election ay ganitong pambabatikos din ang aabutin nila.
Haaaay. Sa totoo lang, nakakaumay na. Parang wala ng ginawang tama ang gobyernong ito. Hindi natin binibigyan halaga na nagsimula na ang pagbabakuna sa ating mamamayan. Isinasantabi natin ang ginagawang paraan ng ating pamahalaan sa pagdaragdag ng hospital beds sa ating bansa upang matugunan ang dumaraming kaso ng Covid-19. Kung ating iisipin, hindi nagkulang ang ating pamahalaan sa pagpapaalala upang makaiwas mahawahan ng Covid-19. Marami lang talagang pasaway na Filipino.
Imbes na sisihin ang gobyerno natin, makiisa rin tayo bilang mamamayan kung papaano tayo makatutulong maibaba ang bilang ng kaso ng Covid-19. Umiwas tayo sa matataong lugar. Mag social distancing. Wastong pagsuot ng face mask at face shield at kung maari ay manatili lamang sa bahay.
Hindi lamang Filipinas ang nagdudurusa at nahihirapan laban sa Covid-19. Kaya nga tinawag itong pandemya. Mas maraming bansa ang mas hirap sa paglaban sa sakit na ito. Marami rin mga bansa ang nahihirapan sa pag-angkat ng bakuna para sa Covid-19.
Ang India ay problemado ngayon. Daang libong mga deboto ng relihiyon na Hindu ay dumadagsa sa Ganges River na itinuturing nilang banal na ilog. Hindi nila pinakikinggan ang kanilang gobyerno na huwag muna pumunta roon. Makikita mo na wala silang face mask, face shield o social distancing. Ayon sa pinakabagong ulat, daan libo na ang nagkahawahan sa sakit na Covid-19 sa India.
Ang bansang Brazil din ay namomorblema rin. Ang Indonesia ay may malala ang sitwasyon kung ihahambing sa atin. Ang gobyerno ng Canada ay binabatikos din ng kanilang mga mamamayan sa pamamaraan ng pamimigay ng bakuna sa kanila. Hindi lamang Filipinas ang nahihirapan sa nasabing sakit.
Kailangan natin ay magkaisa upang magtagumpay tayo sa laban na ito. Noong panahon ng World War II, ang bansang America at Britanya ay nagkaisa sa napakalaking hamon na dumating sa kanila.
Nagkaisa sila imbes na batikusin ang kanilang pamahalaan. Ang bansang Japan ay nagkaisa at nagtagumpay matapos silang bombahin ng atomic bomb na nagpaluhod sa kanila. Hindi biro ang mga hamon na dumaan sa kanila.
Sana naman ay magkaisa tayo upang magtagumpay rin tayo sa hamon na ito. Tama na ang panlalait at pagbatikos sa pamahalaan na ito.
Malapit na ang eleksiyon. May kapangyarihan na ibingay sa atin ang Konstitusyon na pumili ng wasto at magaling na lider ng ating bansa. Pero sa ngayon, tingnan natin ang mga politko natin kung ginagamit lamang ang sitwasyon para sa kanilang adyenda sa 2022. Matuto na sana tayo.
656834 718501As I web site owner I believe the articles here is genuinely great , thankyou for your efforts. 41085
392814 594324This is a wonderful web page, could you be interested in doing an interview about just how you designed it? If so e-mail me! 568631