TAMANG EDAD NG STAGS PARA HULIHIN SA RANGE AT PUNGUSAN

SABONG NGAYON

ANO ba ang tamang edad para hulihin natin ang stag sa range area o paalpasan?

Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp mula Lipa City, Batangas, magsimula tayo sa paghuli ng stag sa range area sa edad na limang buwan.

Dapat din, aniya, na sa kanang hita o katawan hahawakan ang ­ating mga stags at huwag na huwag sa buntot kasi kapag nabunutan ang buntot at dumugo ay may tendency na hindi na tumubo o pundido na at ‘di mo siya puwedeng  bigyan ng inahin, tutukain niya ‘yung parte na dumudugo na puwede lahat ng buntot niya ay sirain ng inahin.

“Ang unang hinuhuli ay ‘yung pinakahari o alpha male at kung puwede ay isa-isa kada araw ang paghuli para ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataon na mag­hari kahit isang araw o mas maganda kung pitong araw man lang,” ani Doc Marvin.

“Maselan po ang stage na ito kaya dapat sa flying pen muna ilagay, hindi sa talian para sa hardening,” dagdag pa niya.

Sinabi rin niya na ang tamang edad para gawing broodstag ay 7-8 months old kaya huwag siyang gaganadurin dahil nasa growing stage pa siya hanggang 6 months, kaya dapat ‘yung nutrients na kinakain ay sa kanyang katawan mapunta hindi sa pagkasta.

“Hindi puwedeng madaliin ang ganitong edad ng stag kasi kapag nagkamali ka ay puwede siyang magkasakit na tuluyang siya ay masira,” ani Doc Marvin.

Ang tamang edad naman sa pagpungos ng ating stag ay pitong buwan.

“The earliest and ideal age of dubbing is 7 months old, since comb and wattle are thermoregulatory in function. ‘Pag malamig ang panahong ito ay nagpapainit at ‘pag mainit, ito ay nagpapalamig sa katawan ng manok kaya ‘pag tag-ulan nangi­ngitim ang palong,” sabi pa ni Doc Marvin.

Para maiwasan ang sobrang pagdurugo, pungusan daw ang ating mga stag sa umaga at hapon.

“Since it is rich in blood supply it is mandatory to remove it so that all the nutrients will go directly to the body of our stag. Huwag pong  pupungusan nang hindi pa lumalaban dahil nagkakanerbiyos at lalo lamang nade-delay lumaban,” dagdag pa niya.

“Kung humaharang na ang palong sa mata niya ay puwede pong bawasan ang palong. Ang palatandaan po na ang stag ay well deve­loped ang testicles ay ‘yun po malalaki ang palong.”

Comments are closed.