TAMANG ILAW SA MAS MAGANDANG AMBIANCE

SA paglubog ng araw sa kanluran at sa unti-unting pagyakap ng ta­kipsilim sa mga ulap, nagkakaroon ng sumandaling mahika na nagpapabago sa kapaligiran.

Ito ang sandaling magsisimula na ang kapangyarihan ng artificial lights, na magsasaboy ng mga anino at guguhit sa mga silid ng kislap na magbibigay-sigla at kapayapaan.

Malaking bagay ang ilaw sa bahay, ayon kay Engr. Alberto Villadelrey, electrical engineer. Hindi lamang sila para sa ambiance;  functional din ito. Ilaw ang unspoken artists ng bahay at opisina, dahil hinuhubog nito ang moods at inuukit ang atmosphere sa liwanag at dilim. Ang sining na ito ay mas napapaganda ng lights and shades, kung saan ang simpleng lugar ay nagkakaroon ng buhay at emosyon.

Isipin na lamang ang isang silid na maliwanag at puno ng buhay, na res­ponsive sa iyong mood, adjustable, at wow, voice command pa. Honestly, sa sine pa lang ako nakakita ng ilaw na voice command. “Let there be light!”

Ang mga innovative lighting fixture na ‘yan ay masterpieces ng techno­logy and design, na bagay na bagay sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Hindi lamang sila basta bombilya at lampshades; sila ay intelligent systems na dinisenyo upang mapabuti ang ating life experience.

Ang tawag sa perfect ambiance na ito ay human-centric lighting. Advanced systems ito na nakaka-adjust sa kulay at temperatures na parang natural daylight.

Sabi pa ni Engr. Villadelrey,  sa mga eco-conscious na ayaw isakripisyo ang style, LED techno­logy pa rin ang nangungu­na, kung saan makakapili mula vintage-inspired Edison bulbs hanggang sa sleek, contemporary profiles. Depende ang itatagal ng LED lights sa paggamit. Smart investment ito para sa’yo at sa planet.

Kung meron kang smart lighting systems, lamang ka na sa iba sa practicality at art form. Kasi, kahit malayo ka, gamit lamang ang cellphone, makokontrol mo ang ilaw sa loob at labas ng bahay mo.

Mas maganda kung mayroon kayong mga solar lights. Matipid na aa kuryete, maliwanag pa sa gabi, at napakaganda pang tingnan. Automatic lights sila na namamatay ng kusa kapag may liwa­nag na ng araw, at bumubukas naman kapag madilim na ang langit. Pinaaaliwalas mg mga innovative fixtures na ito ang bahay mo. Lumilikha sila ng environments kung saan ang kutitap ng mga bituin ay sumasabay sa liwanag ng mga artificial lights.

Piliin mo lamang ang bagay sa iyong personalidad. May tao kasing ayaw ng masyadong maliwanag.

Ngayong nasa kamay mo na ang teknolohiya, huwag pa ring kalilimutan ang human touch. Gamitin ang iyong artistic ability. Lumikha ng orchestrated dance sa pagitan ng liwanag at dilim. Ikonsidera kung paano sila makaaapekto sa kulay ng bahay. Pag warm lights, mas lulutang ang earthy tones at natural beauty ng kahoy habang ang cool lights ay magpapalutang sa modern materials tulad ng metal o glass.

Nenet Villafania