TAMANG KALUSUGAN AT NUTRISYON MALAKING TULONG SA MAAYOS NA EDUKASYON NG ISANG BATA

ANG konek­siyon ng isang ina at ng kanyang anak ay nagsisimula sa pagbubuntis pa lamang hanggang sa buong buhay ng kanyang supling.

Kaya narara­pat lang na ang koneksiyong ito ay magkaroon ng ma­gandang simula at kabuuan.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang maisa­batas ang Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutri­syon ng Mag-nanay Act. Unang isinu­long bilang First 1,000 Days Act, layunin po ng batas na ito na tutukan ang iba’t ibang us­apin na may kinala­man sa kalusugan ng bagong silang na sanggol at ng kanyang ina, lalo na ang mga nagmu­la sa mahihirap na pamilya.

Sila po, sa ka­totohanan ang mga nagdurusa sa mal­nutrisyon dahil nga sa kahirapan. At da­hil kulang sa nutri­syon ang kanilang pagbubuntis, kada­lasan, naaapektuhan din ang kalu­sugan ng sanggol sa sinaupupunan, na dadalhin ng bata hanggang sa kanyang paglabas at paglaki dahil hin­di nga naresolba ang nutritional problems nito.

Matagal nang idineklara ng mga ekspertong pangkalusugan na ang pinakamahalagang yugto sa buhay ng isang sanggol ay ang kanyang unang 1,000 araw – mula pagbubuntis hanggang sa ikalawang taon ng kanyang buhay.

Sa pamamagitan ng RA 11148, nabigyang pansin ang pagbibigay im-portansya sa problemang ito at pinalawak ang nutrition intervention programs para sa first 1,000 days ng isang bata.

Naglaan ang gobyerno ng pondo para labanan ang malnutrisyon, hindi lang sa mga bagong silang na sanggol, kundi sa mga batang nagdadalaga, mga buntis, at sa mga inang nagpapasuso para masiguro ang kanyang kalusugan at ng kanyang sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa.

Bukod sa RA 11148, nariyan din ang RA 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino na nagpapatupad sa national feeding program para sa mga batang undernourished at may gulang na tatlo hanggang 12. Ang mga batang ito ay mula sa mga public daycare centers at elementary schools, kung saan talamak ang malnutrisyon dahil sa kahirapan.

Malaking balakid sa development ng isang bata ang kakulangan sa tamang nutrisyon, sapagkat apektado rito ang progreso ng kanyang isip, at ng kanyang pangangatawan. Madalas ding magkasakit ang mga batang ito at kadalasan ay dinadapuan ng mas malulubhang karamdaman dahil sa napakahinang immune sys-tem.

Sa kanilang pagtanda, ayon sa UNICEF, ang mga stunted children o mga batang under-nourished ay kadalasang napupunta sa mga trabahong mababa lang ang suweldo, kumpara sa mga kasing edad nila na kumikita nang maayos.

Mababatid na sa ilalim ng kasalukuyang national budget, kabuuang P99.31 milyon ang inilaan ng gobyerno sa National Nutrition Council (NNC) ng DOH para sa pagpapatupad ng RA 11148.

Ngayong darating na taon (2024), pinagsisikapan ng pinamumunuan nating komite, ang Senate Committee on Finance, na mas mapataas ang proposed budget ng nasabing ahensiya upang masiguro na mas matututukan nito ang mga programang sisiguro sa proper nourishment ng isang ina at ng kanyang anak.

Matatandaan na kamakailan lamang ay inilunsad ng NNC ang kanilang Philippine Plan Action for Nutrition o PPAN 2023- 2028, isang strategic, multi-sectoral, multi-level and directional plan na lu-lutas sa lahat ng uri ng malnutrisyon sa bansa.

Sa taong 2028, nilalayon ng PPAN na mapababa nang tuluyan ang bilang ng mga low birth weight sa mga bagong silang na sanggol, gayundin ang bilang ng mga stunted children under 5 years old; wasted children under 5; overweight children under 5 at ang Vitamin A deficiency sa mga batang may gulang na anim na buwan hanggang limang taon.

Bilang chairman ng Senate on Committee on Finance, sisikapin nating su-portahan ang lahat ng aksiyon na kung hindi man tatapos ay magpapababa sa antas ng malnutrisyon sa bansa.