TAMANG TRANSISYON SA PAGHINTO NG MGA PROGRAMA SA SENIOR HIGH SA SUCS HINILING

HINILING  ni Senador Joel Villanueva sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na tiyakin ang maayos na koordinasyon hinggil sa pagpapahinto ng senior high school (SHS) programs sa local at state universities and colleges.

Sa isang pahayag, sinabi ng Majority Floor Leader at Head ng Senate Committee on Rules na ang hakbang ay naaayon sa mandato ng Senado sa higher educational institutions (HEIs).

“While they were allowed to provide SHS during the transition period, we agree that it is not the role of HEIs to offer basic education, except for those with laboratory schools,” ani Villanueva.

Nanawagan ang senador sa mga ahensya na pangasiwaan nang mabuti ang transisyon at pag-isipan kung ano ang magiging pagbabago sa mga apektadong estudyante.

“Ensure that there will be no disruption in the education of our students and that there is sufficient DepEd or private sector capacity to take it on,” aniya.

Inilabas ng CHED ang isang order noong Disyembre 18 kung saan hindi na papayagan ang mga papasok na senior high school na mag-enroll sa mga state universities.
LIZA SORIANO