TOKYO, Japan- WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng Japanese carmaker na Toyota na ibalik ang Tamaraw model sa merkado ng Pilipinas.
Sa kanyang pakikipagpulong sa mga executives ng Toyota, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Tamaraw ay isang maaasahang utility transport sa loob ng maraming taon para sa mga Pilipino.
“Many of the Tamaraws you’ve recently built are still on the road,” wika Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Japanese carmaker.
Ayon sa Pangulo, ang tatak ng Tamaraw ay kilala sa Pilipinas sa loob ng ilang dekada at hindi na bago sa Pilipinas gayundin sa Asian market.
“We have always been appreciative especially in the involvement of Toyota in the Philippines over so many years and I think the mutual experience between Toyota and the Philippine and the local markets has been a good one and the partnership we can look to as a success, “ anang Pangulong Marcos.
Sinabi pa niya na nakatutuwang marinig ang mga bagong plano ng Toyora para sa Pilipinas at ito ay lubos na naaayon sa kung ano ang sinusubukang gawin ng kanyang administrasyon at umaasa na mas mapapaganda pa ang sitwasyon ng bansa sa darating na panahon.
Sinabi rin ni Pangulong Marcos na tinitingnan din ng gobyerno ng Pilipinas ang pagkuha ng isang modelo ng tatak ng Toyota, ang Mini-Cruiser, para sa paggamit ng militar.
“It’s something we would like to revisit, simply because we have tried many utility vehicles for the military pero talagang hindi naging successful sa amin,” dagdag ng Pangulo. EVELYN QUIROZ