Mga laro sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – UE vs UST (Men)
4 p.m. – NU vs DLSU (Men)
ISINALPAK ni LJay Gonzales ang isang off-balanced, one-handed triple sa buzzer at nakaulit ang Far Eastern University laban sa defending champion Ateneo, 62-59, sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
“Miracle ‘yung nangyari siguro,” sabi ni Gonzales makaraang makumpleto ng Tamaraws ang head-to-head elimination round sweep sa Blue Eagles.
Tinanggap ang inbound pass mula kay Xyrus Torres sa huling 3.9 segundo, natakasan ni Gonzales si Chris Koon at matapos ang ilang dribbles ay kinamada ang game-winner na ipinagbunyi ng FEU gallery.
Nakakuha ang Tamaraws ng malaking break makaraang gumawa si Kai Ballungay ng turnover mula sa inbound pass na para kay Ian Espinosa.
“Si LJ talaga ang heart and soul ng FEU,” sabi ni Denok Miranda, ang tanging coach na tumalo kay Ateneo mentor Tab Baldwin ng dalawang beses sa elims. “All out siya throughout the game.”
Nauna rito, sinandigan ni Kean Baclaan ang 64-61 panalo ng National University kontra University of the East upang kunin ang top spot.
Naghahabol sa 57-61, kumana si Baclaan ng limang sunod na puntos, kabilang ang go-ahead three-pointer na nagbigay sa Bulldogs ng one-point lead at nabigo ang Red Warriors na makaiskor sa sumunod na limang possessions, na nagbigay-daan sa Bustillos-based side na mamayani.
Nahila ang kanilang winning run sa limang laro, ang NU ay umangat sa 7-1 papasok sa kanilang Saturday showdown sa La Salle, na sinimulan ang kanilang second round sa 100-69 pagdispatsa sa University of Santo Tomas para sa 5-3 record sa solo third.
Umakyat ang Tamaraws sa 3-5, isang laro lamang sa likod ng fourth-running Blue Eagles (4-4) sa karera para sa huling Final Four.
Iskor:
Unang laro:
DLSU (100) – Quiambao 22, Policarpio 14, Cortez 13, Nelle 11, Gollena 9, Escandor 6, Macalalag 5, Nwankwo 4, B. Phillips 4, Nonoy 4, Abadam 3, David 3, Austria 2, Manuel 0, I. Phillips 0.
UST (69) – Cabañero 13, Manaytay 10, Moore 9, Duremdes 8, Crisostomo 7, Laure 6, Lazarte 5, Llemit 4, Manalang 4, Ventulan 2, Gesalem 1, Pangilinan 0, Magdangal 0, Esmena 0, Calum 0.
QS: 29-21, 52-38, 75-49, 100-69
Ikalawang laro:
NU (64) – Baclaan 18, Figueroa 12, Yu 9, Palacielo 7, Enriquez 5, Malonzo 4, Lim 3, Manansala 2, John 2, Casinillo 1, Parks 1, Delos Reyes 0, Gulapa 0, Jumamoy 0.
UE (61) – Remogat 18, Momowei 15, Sawat 8, Cruz-Dumont 7, Lingolingo 3, Galang 3, Alcantara 3, Maglupay 2, Tulabut 2, Fikes 0, Spandonis 0, Gilbuena 0, Langit 0.
QS: 20-12, 38-30, 50-48, 64-61
Ikatlong laro:
FEU (62) – Gonzales 19, Sleat 12, Bautista 10, Torres 7, Faty 7, Bagunu 5, Ona 2, Tempra 0, Competente 0.
Ateneo (59) – Koon 14, Amos 11, Ballungay 9, Obasa 7, Espinosa 7, Brown 6, Quitevis 2, Chiu 2, Lazaro 1, Credo 0, Bongo 0, Nieto 0.
QS: 15-9, 30-27, 44-41, 62-59.