TAMARAWS SINUWAG ANG BULLDOGS

Standings W L
UP 6 1
Ateneo 5 2
NU 5 2
UE 3 4
AdU 3 4
DLSU 3 4
FEU 1 5
UST 1 6

ANTIPOLO – Naitakas ng Far Eastern University ang 47-44 panalo kontra National University sa isang highly-defensive game sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Ynares Center dito.

Naisalpak ni Ljay Gonzales ang pinakamalaking basket sa laro — isang jumper sa huling 17.6 segundo na nagbigay sa Tamaraws ng three-point lead.

Tinangka ng Bulldogs na ihatid ang laro sa overtime ngunit gumawa ang Tamaraws ng malaking defensive stop na nagpuwersa kay Kean Baclaan na ibato ang isang three-pointer malapit sa midcourt line at nagmintis sa dying seconds.

Sa kanilang ikalawang talo sa pitong laro, ang NU ay nahulog sa tie sa Ateneo, na nagwagi sa University of the East, 91-76, sa unang laro, sa ikalawang puwesto.

Ang resulta ay nagbigay-daan din upang maging first round topnotcher ang defending champion University of the Philippines. Tinapos ng Fighting Maroons ang round na may 6-1 record.

“Anything can happen in just one win,” sabi ni coach Olsen Racela makaraang makopo ng FEU ang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-5 simula.

Ang laro ay isang low-scoring affair, dahil sa tindi ng depensa ng parehong koponan.

“It was a defensive game. We needed their defensive mindset against NU. Pabaaan ang score ang nangyari ngayon. Our defense gave us the chance really in this game. I just proud the way they played. Total team effort,” ani Racela.

Iskor:
Unang laro:
Ateneo (91) — Ildefonso 20, Ballungay 14, Padrigao 11, Andrade 11, Kouame 8, Lazaro 6, Garcia 6, Fornilos 4, Gomez 3, Koon 2, Chiu 2, Quitevis 2, Daves 2, Fetalvero 0, Lao 0, Ong 0.
UE (76) — Pagsanjan 17, K. Paranada 17, Villegas 10, Stevens 8, Remogat 6, Payawal 5, Alcantara 4, Sawat 2, Beltran 0, Antiporda 0, Guevarra 0.
QS: 21-21, 46-44, 65-50, 91-76

Ikalawang laro:
FEU (47) — Sajonia 12, Gonzales 9, Bautista 9, Tchuente 6, Torres 6, Anonuevo 5, Alforque 0, Sleat 0, Sandagon 0, Tempra 0, Bagunu 0, Celzo 0.
NU (44) — John 9, Clemente 8, Figueroa 8, Baclaan 6, Manansala 5, Malonzo 4, Minerva 3, Enriquez 1, Yu 0, Mahinay 0, Galinato 0, Tibayan 0, Padrones 0.
QS: 12-16, 22-26, 31-33, 47-44.