KAWAWA naman itong iniidolo nating broadcast journalist na si Ces Drilon. Magmula kasi noong mawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay mukhang kapit na siya patalim para rumaket. Kung sabagay, aanhin mo nga naman ang kredibilidad kung wala ka namang kwarta.
Case in point itong inilunsad niyang radio talk show kung saan katambal niya rito si Ang Probinsyano Party-list Congressman Alfred Delos Santos. Sa mga ‘di nakakakilala ay sumikat ang kongresista na ito dahil sa pang-uumbag niya ng waiter sa Legazpi, Albay. Of all people, ‘di ko maitindihan kung bakit pumayag si Ces na maging katambal ito samantalang napakarami namang mga mga matitino at magagaling na broadcasters na puwede sana.
Kapag i-type mo nga sa Google ang kanyang pangalan eh makikita mo agad ang mga nagkalat na video at news articles tungkol sa kanyang pang-uumbag dahil lango ito sa alak.
Sa katunayan ay kinuyog ng mga basher itong si Ces Drilon sa kanyang Instagtram account matapos niyang ianunsiyo ang kanilang programang “Basta Promdi Lodi” kasama si ‘Boy Umbag’.
“Marami pang ibang interview po. There nothing good that congressman brings anywhere. Pro tip po!!haha,” turan ni genevievecaparas sa kanyang comment.
“Talaga bang co-cost mo ‘yan?Hahaha you can get more way way credible people. You have more time po!” banggit naman ni tifftoneysoriano.
“ Nice comeback @cesdrilon BUT THAT GUY?? Will affect you reputation and good public character. Beware po, “ sabi naman ni iamkinsleybou-cher.
Marahil, isang blocktime program ang kanilang talkshow o binayaran ang istasyon upang magkaroon ng time slot sa radyo. Wala naman talaga kasing “K” itong si Delos Santos para maging radio host. Bubulol-bulol nga ito kung nagsasalita.
Ang tanong ngayon ay kung kaninong pera galing itong ipinambabayad para sa blocktime. Malabong-malabo naman siguro na magkaroon ito ng mga advertisement maliban na lamang kung brinaso ang mga ito.
At ano na nga pala ang nangyari sa kanyang ethics case sa Kongreso? Bakit hindi siya napatawan ng kahit anong kaparusahan at bagkus ay ginawa pa siyang deputy majority leader?
Ang nakakaawa ay itong si Ces Drilon dahil tiyak na masisira ang kanyang kredibilidad dahil nagpagamit siya kay ‘Boy Umbag’. Sayang naman dahil magaling naman ito bilang mamamahayag.
292308 837343Thank you for your very great information and feedback from you. car dealers in san jose 283555
695007 4389A truly fascinating read, I may possibly well not agree completely, but you do make some quite legitimate factors. 750075
811187 619052Thank you pertaining to giving this superb content material on your web-site. I discovered it on google. I may check back once again in the event you publish extra aricles. 106879