TAMBALANG GO-DUTERTE KINUMPIRMA NI MAYOR SARA

SARA DUTERTE

KINUMPIRMA ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagta-tandem nina Senador Bong Go at amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections.

Ito’y ayon kay Mayor Sara matapos mismong ang ama ang nagpabatid sa kanya hinggil sa pagtakbo nila ni Go sa susunod na eleksiyon.

Tinukoy ng presidential daughter na “not a pleasant event” ang tambalang Go-Duterte.

Kasunod na rin ito aniya ng paglalatag sa kanya na iendorso ang Duterte-Go tandem at isa pang option para tumakbo ang alkalde bilang presidente ng bansa sa 2022 national elections.

Sinabihan ni Mayor Sara ang mga nasa paligid nila na huwag siyang ga­miting dahilan para magpasya kung tatakbo o hindi sa darating na eleksiyon.

Diniretso ng alkalde ang ama at si Go na sabihin sa publiko ang desis­yon nilang magsanib-puwersa sa eleksiyon kung sa pribado ay na-kumpirma na rin ng mga ito ang kanilang tambalan. DWIZ882

One thought on “TAMBALANG GO-DUTERTE KINUMPIRMA NI MAYOR SARA”

  1. 608394 118904my English teacher hate me cause i keep writing about somebody from The WANTED called Jay, she gives me evils and low 917623

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *