TAMBALANG RICHARD-SHARON TULOY NA

RICHARD-SHARON

NAG-CELEBRATE ang mga fans nina Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez nang magshowbiz eye-post agad si Richard sa Instagram story niya na tuloy na ang movie na pagtatambalan nila ng favorite niyang ka-love team na si Megastar Sharon Cuneta sa story conference na ginanap last Sunday, August 12.

“Three Words To Forever” ang title ng movie na ididirek ni Cathy Garcia Molina at makakasama nila si Kathryn Bernardo.  Mabilisan ang shooting nito dahil showing na sila sa Nobyembre, 2018.  Alam namang kakandidato mu­ling Mayor ng Ormoc City si Richard kaya hindi puwedeng patagalin pa ito.

Maraming natuwa na natuloy na ang project na ito. May mga nag-isip nga noon na baka hindi na tanggapin ni Richard ang offer to do a movie again with Sharon dahil nga sa pagi­ging Mayor na niya ng Ormoc City. Pero nabuhayan sila ng loob nang minsang nag-post si Richard sa kanyang Ig na may sorpresa siya very soon.

Kaya napuno ng comments ang post ni Sharon mula sa fans nila ni Richard: @elypotnimega_tmu ‘OMG!!! Weeyyttt! Nakakaiyak! Mama ko, dadeh, ang tagal ko kayo inantay ulet makita na ganyan! Naiiyak ako! Waaahhh!” @gens_marlyn “wow ‘yan ang gusto ko kay Richards, wala siyang pakialam sa sasabihin ng tao, nandyan pa rin ang care n’ya sayo.”  @megamindonliner “November nga? Paano makapunta ng block screening Lee! ‘Di na tayo babalik dito sa Qatar after ng Ara­neta concert ni Ate?”  @tess_still “Omg!! Can you see that smile on his face, it’s priceless!! This is why I love them so much together! God I’m so happy I’m beside myself I think I’m in love again! @sheilalovesmega “’Di ba puwedeng bukas September na then next week November na?  So happy that there’s so much to look forward to our dearest Mega! I love you and excited for all your beautiful, wonderful projects! All the best and God’s overflowing favours and blessings be yours all days of your life @reallysharoncuneta I love you so much our Mega Queen!” @shagoms28 “We waited for 15 years for this. Thank you @richardgomezinstagram @reallysharoncuneta”  At si @ogiealcasid “Yehey!!!”

THERESE MALVAR BEST SUPPORTING ACTRESS

SA DALAWANG ENTRY SA CINEMALAYA

THERESE MALVARCONGRATULATIONS kay Kapuso young actress Therese Malvar.  Dalawa ang entries niya sa katatapos na Cinemalaya Film Festival.  Ang “Distance” na kasama niya si Iza Calzado,  na dinirek ni Perci Intalan.  Ang isa pa ay ang “School Service” na kasama niya si Ai Ai delas Alas at dinirek ni Louie Ignacio.

Pero first time na isang actress ang nanalo sa isang category, sa best supporting actress category, at si Therese ang nagkamit nito sa dalawang entry niya.

Kaya tiyak na lalong hahanga kay Therese ang kanyang kapwa Kapuso actress na si Jasmine Curtis Smith.  Napanood pala ni Jasmine ang “Distance” kaya nag-message siya kay Therese: “I don’t know how you keep doing it but keep on rocking all your films! I watched your Cinemalaya entry and you stood out so much to me.  You always do.  I am such a fan. Congratulations.”

Parehong Kapuso at winners na ng international acting awards sina Jasmine at Therese, ang ganda si­guro kung pagsasamahin sila ng GMA sa isa sa kanilang teleserye.

 

Comments are closed.