SA unang pakikipagsagupa sa AI sa mga pamantasan, may pagtanggi, bantulot at tila may pakiramdam na nababawasan ang kahalagagan ng isang patnugot.
Ngunit sa paglipas ng panahon, sa bumibilis na pangangailangan sa mga datos at kaalaman, may makukuha mula sa AI. Ang AI bilang tools hindi bilang sasalo sa lahat ng gagampanang papel ng isang patnugot sa pahayagan at publikasyon.
Ang Asian Institute of Journalism and Communication ay isang institusyon mula pa ng 1980 na magpahanggang ngayon ay naniniwala na sa pag-ikot ng panahon, kasama ang pagharap sa kayang ibigay ng teknolohiya sa pagsusulat at pag-edit.
Nagkaroon dalawang araw na pagsasanay sa Editing in the Age of AI: Enhancing your Editing Skills as a Tool for Effective and Clear Communication para sa mga kawani ng gobyerno. Karamihan sa kanila ay magagaling at bihasa na sa kanyang ibigay ng AI Tools sa pag-eedit.
Sa pag-edit may kalakasan at kahinaan ang tao na patnugot laban sa AI na patnugot. Kung tao ang patnugot, ang kalakasan niya ay ang pagiging malikhain, may intuwisyon at may pangkultura na pagkakaintindi.
Naiintindihan ng tao ang mga nuances, konteksto at damdamin at magagamit pa ang paghatol at makapagdesisyon alinsunod sa karanasan at kagalingan.
Ngunit sa kahinaan ng tao, siya ay nagkakamali, may bias at may hindi pagkakapareho. Minsan may limitasyon sa kaalaman at nanaig ang sariling interpretasyon at kagustuhan.
Ang mga taong taga-edit ay maaring magbigay ng sobrang oras lalo na sa malaking bilang ng materyales na i-eedit, pwera pa ang karagdagang gastos para dito.
Ang AI na patnugot ay kayang-kayang mag-edit ng malakihang bilang ng materyales na i-eedit sa maikling panahon.
Maaari na ring iprograma ang mga dapat sunding mga alituntunin sa grammar, spelling, estilo, at maging ang pagkaka-ayos.
Sa kabilang banda, mahihirapan ang AI na patnugot sa konteksto, katatawanan at mga nuances. Hindi rin kaagad mabibigyan ng solusyon ang problema sa mga naisulat. Hindi rin maibibigay ang makabagong lengguwahe at pangkulturang nuances kung kinakailangan.
Sa naging talakayan nga sa programa sa radyo sa DWIZ sa “Usapang Payaman” noong nakaraang Linggo, nabanggit dito na kakailanganin ang kumbinasyon ng tao at AI na patnugot para maabot ang mabisang paraan ng pag-edit ng mga materyales at manyuskrip.
Ang tao ang magbibigay ng pagiging malikhain at tamang paghatol sa mga i-eedit samantalang ang AI na patnugot ang magpupuno ng mga kakulangan sa kahusayan at pagkakapareho sa mga naisulat.