TAMBAY NA PASAWAY LANG ANG HINUHULI

rey briones

IBANG klase rin sila, Suki.

Silang mga nagpapakilalang umano’y taga-sagip ng mga inaapi ng estado.

Silang mga umano’y grupong adbokasiya laban sa pang-aabuso sa karapatang pantao.

Silang obyus na mga inutil at walang silbing kritiko ng ating gobyerno.

Pero nakamaskarang makabayan.

At nagpapanggap na makatao.

Sila ang mga huwad na lider-politiko.

Na sobrang nauuhaw sa poder, Suki.

Sila ngayon ang nagsasabing itigil ang utos na walisin ang mga “dumi” sa lansangan.

Kontra sila, Suki, sa programa ng presidente na dapat walang tambay sa gilid ng kalye.

Na kailangan ay mapayapang nagagamit ng lahat ang lansangan at mga gilid nito.

Na dapat ay walang dabarkads na naglala­singan sa daraanan ng ating mga anak.

Na dapat ay walang pa-morningang videoke sa tabing lansangan.

Ayaw nilang intindihin nang tama ang layunin ng utos ng presidente.

Kahit alam nila, Suki, na tanging ang mga tambay lang naman na pasaway ang puntirya.

Kasi, sadyang hindi ang programa ang gusto nilang hagupitin… kundi ang nag-utos nito.

Suki, kahit anong ipag-uutos ni Boss Digong ay kontra agad sila.

Kaya klaro kung sino sila. Hohum!

oOo

Uulitin ko, Suki:

Pabor ako sa iniutos ng presidente na “walisin” ang mga tambay sa gilid ng kalye.

Kasi, alam ko naman na ang puntirya ng utos ni Boss Digong ay ‘yung mga pasaway lang.

Lalo na ‘yung may mga kasong kriminal sa lalawigan na nagpapalamig sa kalunsuran.

Mga wanted ng batas sa malayong lugar na naniwalang ligtas sila sa pag-uusig kapag nagtambay sila sa kagubatan ng lungsod.

Suki, klarong hindi sakop ng utos ‘yung peace-loving pipol na tambay sa gilid ng lansangan.

Kaya nag-iinit ang ulo ko sa komento ng mga “huwad na makatao” na ipinipilit ang maling interpretasyon sa nasabing kautusan.

Talagang na-praning ako, Suki, sa kaiisip kung saan humugot ng kapal ng mukha ang mga tonto.

Para kontrahin ang programang nakikinabang ang lahat… lalo na ang mapag-alalang magulang.

Comments are closed.