CAMP CRAME – NILINAW ni Philippine National Police Chief, Director General Oscar Albayalde na hindi panimula para sa nationwide martial law ang pagdakip sa tambay.
“Hindi naman siguro. Malayong-malayo dahil sabi nga natin matagal na nating ginagawa ito,” ayon kay Albayalde.
Paliwanag pa ni Albayalde sa mga ordinansa na bawat munisipalidad ay may tinatawag na kasong bagansiya na pagbabawal sa pagtatambay lalo na sa disoras ng gabi at pagliliwaliw ng walang kadahilanan.
Aniya, sa katatapos na joint command conference kasama ang Armed Forces of the Philippines ay walang binanggit na magkakaroon ng martial law.
Ang layunin lamang aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdakip sa mga tambay ay upang maiwasan ang krimen na madalas ay nasasangkot ang mga tambay.
Tiniyak din ng PNP chief na ang mga barangay official ang nasa front row para linisin ang kalye mula sa mga tambay at assistance lang ang pulisya.
“Pangungunahan ng barangay officials ‘yan at ang gagawin natin ay assistance lang sa kanila, kung kailangan na nandon ‘yung mga pulis dahil ‘pag nahuli, natural ‘yung pulis ang magi-inquest diyan,” dagdag pa ni Albayalde. EUNICE C.
Comments are closed.