QUEZON CITY – MATAPOS ang reaksiyon ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde sa teleseryeng “Ang Probinsyano”, nag-usap na ang ABS-CBN at Department of Interior and Local Government (DILG) upang resolbahin ang usapin.
Malaman ang naging argumento ng bawat panig subalit sa huli ay ipinagpasalamat na magkaroon ng linaw ang bawat paliwanag sa usapin.
Ayon sa PNP, patuloy naman ang pagbibigay ng mga ito ng suporta at respeto sa bumubuo ng nasabing giant TV network para sa kalayaan ng mga ito na ihayag ang kanilang mga programa sa telebisyon gayundin ang kuwento na kanilang ipinalalabas.
Sinabi ng ABS-CBN na ipagpapatuloy ng mga ito ang pagsasadula ni Cardo Dalisay bilang isang pulis na may integridad sa sarili at panunungkulan, isang pulis na may dedikasyon, pangangalagaan at poprotektahan ang mga tao.
“Including its attached agency the Philippine National Police, will continue to support “FPJ’s Ang Probinsyano” as it continues to inspire Filipinos with the valuable lesson that in.” PAULA ANTOLIN