TAMS UNGOS SA MAROONS SA OT

Wendell Comboy

Mga laro sa

Miyerkoles:

(Smart Araneta Coliseum)

10:30 a.m. – NU vs FEU (Men)

12:30 p.m. – UST vs UE (Men)

4 p.m. – Ateneo vs AdU (Men)

 

NAISALPAK ni Wendel Comboy ang isang krusyal na jumper sa huling 18.3 segundo sa overtime nang mau­ngusan ng Far Eastern University ang  University of the Philippines, 82-79, upang mainit na simulan ang kanilang second round campaign sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Tinangka ng Fighting Maroons, humabol mula sa 16-point deficit sa regulation, na ihatid ang laro sa isa pang extension, subalit sumablay ang potential game-tying triple ni Javi Gomez de Liaño sa paubos na segundo.

“It was a hard fought win for us,” wika ni coach Olsen Racela makaraang suwagin ng Tamaraws ang kanilang ikalawang sunod na panalo. “We have to focus what’s in front of us which is UP. That’s what we did. We played possession by possession.”

Nauna rito ay buma­nat si Justine Baltazar ng 25-point, 25-rebound game nang samahan ng La Salle ang FEU at UP sa ikatlong puwesto na may 4-4 marka sa pamamagitan ng 85-61 paglampaso sa National University.

Naselyuhan sana  ni Comboy ang panalo ng Tamaraws sa huling 24.7 segundo sa regulation kung pumasok ang kanyang three-pointer.

Nanguna si Ken Tuffin sa FEU na may 18 points at 5 rebounds, habang nag-ambag si LJ Gonzales ng 17 points, 12 boards at 6 assists at gumawa si Pat Tchuente ng 14 points at 11 rebounds.

Iskor:

Unang laro:

DLSU (85) – Baltazar 25, Caracut 16, Malonzo 12, Lojera 9, Serrano 8, Melecio 6, Bates 4, Manuel 4, Hill 1, Bartlett 0, Escandor 0, Lim 0.

NU (61) – Ildefonso D. 11, Ildefonso S. 10, Diputado 8, Gallego 7, Clemente 5, Galinato 5, Gaye 5, Tibayan 3, Yu 3, Mangayao 2, Minerva 2.

QS: 26-9, 44-24, 65-48- 85-61

Ikalawang laro:

FEU (82) – Tuffin 18, Gonzales 17, Tchuente 14, Torres 12, Comboy 10, Stockton 5, Cani 4, Eboña 2, Alforque 0, Bayquin 0, Bienes 0, Celzo 0, Nunag 0.

UP (79) – Paras 22, Akhuetie 14, Gomez de Liaño Ja. 11, Gomez de Liaño Ju. 8, Manzo 7, Tungcab 5, Rivero 4, Spencer 3, Webb 3, Prado 2, Jaboneta 0, Murrell 0.

QS: 18-17, 30-27, 60-43, 69-69, 82-79