NAIPUWERSA ng Far Eastern University ang ‘sudden-death’ playoff sa La Salle para sa huling Final Four berth matapos ang wire-to-wire 82-56 victory laban sa Adamson University sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Habang nagpapagaling ang kanilang usual starters na sina Jerrick Ahanmisi at Sean Manganti upang lubusang makarekober mula sa minor injuries, ang Falcons ay dinurog ng Tamaraws mula pa sa umpisa upang kunin ng huli ang 46-22 bentahe sa pagtatapos ng first half at hindi na lumingon pa para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Ang Adamson, nagtapos sa 10-4 record sa ikalawang puwesto, ay sumalang sa kanilang final elimination round game na walang nakataya.
Ang San Marcelino-based school ay nakasiguro na ng twice-to-beat bonus at makakaharap ang No. 3 University of the Philippines sa Final Four sa alas-3:30 ng hapon sa Sabado sa Mall of Asia Arena. Ipinoste ang kanilang ika-8 panalo sa 14 laro, ang FEU ay nanatiling buhay upang mapanatili ang kanilang active Final Four streak sa anim na season.
Magsasagupa ang Tamaraws at Green Archers para sa huling semis slot sa Miyerkoles, alas-3:30 ng hapon, sa Araneta Coliseum. Ang mananalo sa FEU at La Salle ay makakabangga ng twice-to-beat at top-ranked Ateneo sa isa pang semis pairing sa Linggo, alas-3:30 ng hapon, sa Big Dome.
Sa unang laro, nagbuhos si Troy Rike ng 17 points at 13 boards sa kanyang final UAAP game nang pataubin ng National University ang University of the East, 79-71, upang tapusin ang season na may 4-10 kartada sa ika-7 puwesto.
Nagtapos ang Red Warriors, hindi nakatikim ng panalo sa second round, na may 1-13 marka.
Tinapos ni Alvin Pasaol ang kanyang ika-4 at marahil ay huling season para sa UE na may 20 points, 14 rebounds at 4 steals.
Iskor:
FEU (82) – Comboy 11, Tolentino 10, Cani 10, Stockton 8, Parker 7, Tuffin 7, Ebona 6, Inigo 4, Orizu 3, Bienes 3, Gonzales 3, Ramirez 3, Nunag 3, Escoto 2, Jopia 2, Bayquin 0
Adamson (56) – Lastimosa 11, Espeleta 8, Bernardo 8, Sarr 6, Camacho 6, Catapusan 4, Zaldivar 4, Colonia 2, Pingoy 2, Macion 2, Magbuhos V 1, Magbuhos W 1, Maata 1, Mojica 0
QS: 21-8, 46-22, 70-40, 82-56
Comments are closed.