TANDANG SORA INA NG HIMAGSIKAN

ISINILANG si Mel­chora Aquino de Ramos noong January 6, 1812 at namatay naman noong February 19, 1919. Kilala siya sa tawag na “Tandang Sora” (“Elder Sora”) dahil matanda na siya nang magsimula ang Philippine Revolution.

Kinikilala siya bilang pinakamataas na babae sa himagsikan o “Grand Woman of the Revolution” at Ina ng Balintawak dahil sa mga tulong niya sa mga maghihimagsik.

Tubong Quezon City (sa lugar na kung tawagin ngayon ay Tandang Sora), doon siya kinilalang Ina ng Himagsikan. Anak siya ng mag-asawang magsasaka na sina Juan at Valentina Aquino. Hindi man siya nakapag-aral dahil sa kahirapan, ngunit marunong siyang bumasa at sumulat at maganda rin ang kanyang tinig kaya lagi siyang nahihilingang kumanta lalo na sa mga misa.

Bukod sa talentong ito, napakaganda rin niya noong kanyang kabataan kay lagi siyang nakukuhang Reina Elena at nang magkaedad na ay Reina Emperatriz sa mga Santacruzan.

Nagpakasal siya kay Fulgencio Ramos at nagkaanak ng anim. Namatay ang kanyang asawa nang anim na taon na ang kanilang bunso kaya naiwan siyang mag-isang nagpalaki sa kanilang mga anak. Nanatiling hermana mayor si Tandang Sora at aktibo sa pag-aanak sa binyag at mga pagtitipon sa mga fiesta at kasal. Pini­lit din niyang mapag-aral ang lahat niyang anak.

Sa kanilang lugar, mayroon siyang tindahan, kung saan itinatago niya at ginagamot ang ga sugatang katipunero. Pinakakain niya ang mga ito at inaalagaan hanggang gumaling, at binibigyan ng payo upang lumakas ang loob/

Madalas ding maging venue ang kanyang tindahan ng mga secret meetings ng mga Katipunero kaya tinawag siyang “Woman of Revolution”, “Mother of Balintawak”, “Mother of the Philippine Revolution”, at Tandang Sora. Siya at ang kanyang anak na si Juan Ramon ay kapwa kasama sa Cry of Balintawak at mga saksi sa pagpunit ng mga cedula.

Nang malaman ng mga Kastila ang kanyang mga aktibidades, hinuli si Tandang Sora at pinarusahan upang malaman kung saan nagtatago ang mga katipunero, ngunit hindi siya napilit na magsalita. Dahil dito, ipinatapon siya sa Guam, Marianas Islands, kung saan ang ginamit niyang pangalan ay Segunda Puentes. Hindi siya pinapayagang lumabas dahil naka-house arrest siya sa tahanan ni Don Justo Dungca.

Nang makuha ng America ang Pilipinas noong 1898, ibinalik si Tandang Sora sa bansa noong 1903. Namatay siya sa bahay ng kanyang anak na si Saturnina sa edad na 107. Inilagak ang kanyang mga labi sa Mausoleum of the Veterans of the Revolution sa Manila North Cemetery, ngunit kalaunan ay inilipat ito sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City noong 1970 at sa huli ay sa Tandang Sora National Shrine noong 2012.

Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, isang kalsada at isang barangay ang ipinangalan kay Tandang Sora. Inilagay rin ang kanyang mukha sa singko sentimos mula 1967-92. Siya ang unang Filipina na inilagay ang mukha sa Philippine peso banknote, 100-peso bill sa English Series (1951–66). May kasada rin sa San Francisco, California, USA na Tandang Sora Street bilang pagkilala sa kanya.

Noong 2012, sa pagdiriwang ng kanyang ika-200 kaarawan, inilipat ng Local Government of Quezon City ang mga labi ni Tandang Sora mula sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora National Shrine sa Que­zon City. Idineklara rin ng Que­zon City na ang 2012 ay taon ni Tandang Sora Year.

Halos lahat ng kanyang mga descen­dants, kahit iba pa ang kanilang apelyido, ay nakatira sa Novaliches at Tandang Sora sa Quezon City, gayundin sa Guam. Ang mga apelyido ng kanyang mga decendants ay Figueroa, Ramos (apelyido ng kanyang asawa), Geronimo, Eugenio, Cleofas at Apo. – LEANNE SPHERE