Sino bang Filipino ang Hindi Nakakilala..
Paboritong inumin na “Agua Pataranta”.
Tanduay Rum na ngayon ay Kilalang-kilala
Numero Uno sa Buong Mundo at hanap-hanap na!
Sikat ang mga Filipino sa taglay na kasipagan
Bantog din ang Lahi natin sa pakikipag kaibigan
Kaya mula nuon pa at kahit saan man..
May pinagsasalohang Inumin sa harap-harapan.
Panahon pa ni Kristo at kanyang mga Alagad
May alak na nuon pa man sa kanila ay nakalantad
Nagbibigay Init at Sigla sa katawan…
Lalo na kapag panahon ay malamig at nakata tamad.
Sa talaan ng Drinks International kamakailan…
Nangunguna nga ngayon ang Filipino Tanduay Rum
Sa Industriya nito na kinabibilangan…
Tinalo na ang Bacardi ng Cuba sa lasang katakam-takam.
Kaya ipinagmamalaki ng nakakabatang Lucio “Bong” Tan
Ang pangunguna ngayon ng sikat na Tanduay Rum..\
Nagkaroon ng Alyansa sa Mga bansang mayayaman
Maging kampeon na Golden State Warriors ay Inisponsoran.
Kaya naman mga Tatay at mga Binata ay Natutuwa
Paborito nilang Inumin ay World Class na pala..
Hindi lang basta-basta na tulad ng “Tuba”
Tanduay Rum ay tinatangkilik na buong Madla.
(Si Edwin Eusebio ay araw araw na naririnig sa dwiz 882 am Radio)
Comments are closed.