TANDUAY’S ROOTS MAGIGING KAUNA-UNAHANG ECONOMIC HISTORY MUSEUM SA BANSA

Economic History Museum

NAGBUKAS kamakailan ang country’s first Museum of the Philippine Economic History na dating Ynchausti Commercial House sa Calle Real sa Iloilo, na kalaunan ay naging kompanyang gumagawa ng world’s number one rhum, ang Tanduay.

Bago ni-restore ng National Historic Commission ang nasabing building na ma­ging economic history museum, naging provincial offices ito ng Commission on Audit. Sa mahabang panahon, kilala ito bilang Elizalde building.

TANDUAY-1Noong 1854, ayon sa local historians, ang gusali ay dating ­Ynchausti y Compania (also Ynchausti y Cia), na ang mga founder ay sina José Joaquin Ynchausti, Joaquin Elizalde at Valentin Teus. Ipinagtibay nila ang asset ng kompanya kabilang na nga ang Tanduay. Nang bilhin ng mga Elizalde ang Ynchausti shares noong 1934, binago nila ang pangalan at ginawang Elizalde Y Cia.

Bukod sa historical data, sino-showcase rin ng museum ang ilang mahahalagng artifacts ng kompanya na naging maunlad sa Iloilo, gaya noong golden days ng sugary industry. Bukod sa isa sa pinakalumang kompanyang naitayo sa bansa, ang Tanduay Distillery ay na-feature sa museum dahil sa laki ng kontribusyon nito sa industriya ng sugarcane.

Naka-display rito ang lumang Tanduay dama juana; early advertising print ads ng Tanduay; tools na mula sa haciendas ng Western Visayas’ sugar plantations; looms mula sa oldest weavers sa Miagao, Iloilo; at  t’nalak cloth mula sa South Cotabato, at marami pang iba.

Tama lang na ang mga item na ito ay naka-display sa Ynchausti Commercial House, na itinayo noong 1905 at ginamit na trading store. Gaya ng karamihang Spanish colonial houses sa bansa, isa itong typical na bahay-na-bato na may solid red-brick walls sa first floor at wood panels sa second floor. Mayroon din itong wide Capiz-shell windows na isang distinct design ng old Spanish houses.

Lucio Tan Jr“Tanduay has a rich history that started in the island of Negros. As we celebrate the 165th year of Tanduay Distillers this year, we would like to ensure that Tanduay will always be remembered, especially by the next of generations of Filipinos,” ani Lucio K. Tan, Jr., president and chief operating officer, Tanduay Distillers, Inc.

Bilang bahagi ng anniversary celebration, ang Lucio Tan Group-owned Tanduay Distillers, Inc., ay iko-convert ang distiller nito sa Maynila para maging museum na magpapakita ng maya­man at makulay na kasaysayan. Magbibigay rin ito sa visitors ng multi-sensory experience kung paano ginagawa ang bawat produkto.

“The Tanduay Museum will be housed at our old office in Quiapo, where Ynchausti Y Cia operated their liquor facility. We plan to restore part of the original building, but since it will be a brand museum, expect that it will have a modern façade and will utilize technology at par with the world’s contemporary museums,” pagbabahagi ni Tan, Jr.

Comments are closed.