TANGGAL ESCORTS SA NARCO POLS

PNP-Chief-Dir-Gen-Oscar-Albayalde

INIREKOMENDA ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang kahilingang mabigyan ng police escort ang mga politikong kabilang sa narco list ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa ipinadalang pormal na liham ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa Comelec, hiniling din nito ang pagbawi sa mga police escort ng mga umano’y ‘narco-politician’ na una nang napagbigyan.

Ayon kay Albayalde, isang prebilehiyo at hindi karapatan ang pagbibigay ng seguridad sa mga politiko na maaaring bawiin anumang oras at nang walang abiso.

Binigyang diin pa nito na  ang pagbibigay nila ng rekomendasyon sa Comelec ay alinsunod sa kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año para malansag ang mga politikong iniuugnay umano sa transaksyon ng ilegal na droga.

Samantala, sinabi ni Comelec Chairman Sheriff Abas na kanilang nang pinag-aaralan ang nasabing rekomendasyon ng PNP. DWIZ882

 

 

Comments are closed.