TANGGAL KUTO DRIVE MATAGUMPAY

Kuto

LAGUNA – MATAGUMPAY ang naganap na Tanggal Kuto Drive: Balik Confidence Movement na isinagawa sa Sto. Tomas Elementary School annex  Miyerkules ng umaga hanggang hapon sa Calauan, Laguna.

Umaabot sa 600 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 5 ang nabigyan ng libreng shampoo mula sa  Oilganics head lice treatment shampoo at suyod bilang panlaban sa makating kuto at lisa.

Sa pakikipag-ugnayan sa local government unit.(LGU) ng Calauan, Laguna sa pangunguna ni Mayor Buenafrido “George” Berris, 3rd District Sol Aragones, Vice Mayor Chesska Hernandez, Councilor Levin Cathlyn B. Gutierrrez, Hilda Ong, HTSP producer,  at Pasay City Host Lions Club Lydia Bueno ay matagumpay ang unang araw ng serbisyo publiko.

“Malaki ang maitutulong ng programang ito dahil tiyak na mawawala na ang problema ng mga bata. Mababawasan at tuluyan nang mawawala ang makati sa kanilang mga ulo at tiyak na mag concentrate na sila sa pag-aaral,” ayon kay Konsehala Levin Cathlyn B. Gutierrrez.

Natapos ang programa 3:00 ng hapon at itutuloy kinabukasan, Huwebes ang pamamahagi ng suyod at shampoo habang inihahanda na ang set nito sa Antonio Chipeco Memorial Elementary School at Bangyas Elementary School sa Calauan, Laguna.

Nabatid na ang Calauan, Laguna ang pilot province sa bansa na kung saan nanguna ang programa at patuloy na magbibigay ng serbisyo para sa mga mag-aaral. VICK TANES

Comments are closed.