TANGGAPAN NG 4 NA INVESTMENT SCAM SINALAKAY NG  PNP CIDG

investment scam

CAMP CRAME – SINALAKAY ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang opisina nang  iba pang mga naglipanang investment scam.

Ayon kay Police Major Ge­neral Amador Corpus, director ng PNP CIDG, apat na investment  companies ang sinalakay ng kanilang mga tauhan.

Ito ay  Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm na karamihan ay nakabase sa Mindanao gaya ng sa KAPA Community Min-stry International.

Matatandaang una nang pumutok ang balita tungkol sa investment scam ng KAPA subalit  nang salakayin nila ang mga opisina ng mga ito ay wala na silang inabutan sa halip mga dokumento na lamang ang kanilang nasamsam.

Sinabi ni Corpus na sa ngayon ipinaubaya na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa KAPA, habang sila ay sa iba pang mga investment scam companies. REA SARMIENTO