TANGKANG PAGDUKOT SA CHINESE NATIONAL NAUDLOT

LAGUNA – Naudlot ang tangkang pagdukot ng pitong hindi pa nakikilalang suspek sa 41 anyos na Chinese kasunod ang isinagawang pagsagip sa Barangay West Talaongan, bayan ng Cavinti, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ni PLt. Sergio Amaba Jr. hepe ng Cavinti PNP kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang biktimang si Jiang Yong Lu, alias “Luis Lu”, Economist, pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Dakong alas 8:00 ng gabi batay sa isinagawang inisyal na pagsisiyasat ni PSSg. Nonato Rotoni, mayhawak ng kaso ng maganap ang naturang insidente.

Sinasabing aktong nasa loob ng Aqua Scape Resort ang biktima ng biglang dumating ang mga suspek na pawang mga Chinese National na kinabibilangan ng apat na lalaki at tatlong babae habang lulan ang mga ito sa isang kulay pulang kotse na Muztang at kulay puting Land Cruiser na hindi naplakahan.

Mula sa nabanggit na resort, puwersahan umanong binitbit ng mga suspek ang biktima patungo sa kanilang sasakyan at sinabing dadalhin nila ito sa Maynila at doon ito papatayin kasunod ang pagpapaputok ng baril dahilan para makatawag pansin ito sa mga residente at pulisya sa lugar.

Kaugnay nito, hindi inaasahang maaktuhan ng isang Anjo Oliveros, nakababatang kapatid ni Cavinti Municipal Mayor Milbert Oliveros ang insidente kabilang ang tsuper ng biktima na si Alejandro Ravena Jr habang nagaganap ang mainitang pagtatalo.

Agarang hinarangan ni Oliveros at Ravena ang mga suspek habang bitbit ng mga ito ang biktima patungo sa kanilang sasakyan kasunod ang pagsasabi sa mga ito ng “HEY STOP, RELAX” at hindi na nagawa pang makapanlaban bago mabilisang nagsitakas patungo ng hindi pa mabatid na lugar.

Sapilitang nailigtas ni Oliveros ang biktima mula sa kamay ng mga suspek kung saan patuloy na kinikilala at tinutugis ngayon ng pulisya habang ang biktima ay sumasailalim ngayon sa isinasagawang malalimang imbestigasyon para matukoy ng mga ito ang posibleng motibo sa insidente. DICK GARAY

131 thoughts on “TANGKANG PAGDUKOT SA CHINESE NATIONAL NAUDLOT”

  1. Wow, superb blog structure! How lengthy have
    you ever been running a blog for? you made running
    a blog look easy. The whole glance of your web site is wonderful, as neatly as the content material!

Comments are closed.