HIGIT pang paiigtingin ngayon ng Armed Forces of the Philippines at ng kanilang AFP Cyber Command ang kanilang cyber defense kasunod ng ulat na tinangkang pasukin ng mga Chinese hackers ang ilang websites ng pamahalaan kabilang ang ilang executive branches.
Sa ulat ng Bloomberg, sinasabing tinarget ng mga Chinese hacker ang Pangulo ng Pilipinas at nagnakaw ng military data.
Hindi ito kinumpirma ng AFP subalit inihayag ng tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Col Francel Margareth Padilla na isang rin Cyber Security expert, “Cyber-attacks are a daily occurrence. And what is important is we are able to detect and we are able to deter these attacks. So, we have intrusion detection systems in place and intrusion prevention systems that are in place.”
Nabatid na npon pa ay inatasan na ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang AFP na i-fortify ang kanilang cyber defenses at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya.
“ So, in the side of the Armed Forces of the Philippines, we are in very close coordination in terms of our ally partners…kasama na rin ngayon sa Balikatan exercises and other exercises ang cyber defense,” ani Col Padilla dahil ang cybersecurity ay concern ng lahat hindi lamang ng AFP.
“So, as you have witnessed, in the past months, we have activated our cyber command. So kasama na din yan, in tandem with our intelligence command. So, we are looking at all of this, and it’s a given na talaga namang pong nandyan ang mga threats in the cyber domain but what is important is that we are able to detect and we are able to deter these attacks,” dagdag pa ni Col Padilla.
Maging ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay kinumpirma kahapon na ilang ahensya na nasa ilalim ng executive branch ay naging target ng “persistent” cyber attacks mula sa grupong may kinalaman sa bansang Tsina.
Inihayag ni DICT undersecretary for cybersecurity Jeffrey Ian Dy, ang cyber attacks ay tinatangkang mapasok ang executive branch kabilang ang Philippine Coast Guard, ilang departments gaya ng DENR, Department of Agriculture at ang mismong Office of the President” simula pa noong taong 2023.
Nabatid na namomonitor din ang mga kahalintulad na cyber-attacks sa United States, United Kingdom, at iba pang kalapit bansa na hinihinalang gawa ng “well-learned and well-organized teams” na may kasabwat sa Beijing na nagpipilit na makapasok sa cyber security system ng mga nasabing bansa.
Tumanggi ang DICT na kumpirmahin ang Bloomberg report na napasok at nanakaw ng mga hacker ang ilang sensitive military data na may kaugnayan sa South China Sea dispute.
Una nangmg itinaggi ng China na nagsasagawa sila ng cyber attack sa mga bansang itinuturing nilang banta gaya ng US at Taiwan, kasunod ng pahayag na ang mga akusasyon ay “groundless.”
VERLIN RUIZ