NUEVA ECIJA – Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa PJG Hospital sa Nueva Ecija, habang nananatili sa Emmanuel Hospital sa San Miguel Bulacan ang dalawang Brgy.. Tanod, matapos ang pamamaril ng riding-in-tandem ganap na alas-6:30 ng hapon sa Brgy. Sta .Ines.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo kinilala ang mga biktima na sina Noli Ramos,40, binata at Pascual Aquino, 62 anyos, kapwa residente ng Sitio Balucok Brgy Sta Ines, sa nabanggit na bayan.
Papauwi na sa kanilang bahay ang dalawang biktima sakay ng Kulong-Kulong motorcycle nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki na lulan ng motorsiklo sa nabangit na lugar.
Nabatid na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril si Ramos sa ulo at katawan,habang sugatan din ang kasama nitong Senior Citizen.
Samantala patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis kung sino at ano ng motibo sa tangkang pagpatay sa mga biktima.
THONY ARCENAL