TANOD NA NAKASAGASA NG ASO NAMARIL NANG MASITA

baril

ISABELA- ISANG obrero ang ginagamot ngayon sa ospital makaraang mabaril ng barangay tanod na nakasagasa sa isang aso sa bayan ng Roxas.

Ala-1:10  ng umaga noong Hunyo 21, lulan ng motorsiklo at napadaan si Oscar Miranda, 38-anyos, tanod sa Brgy. Rizal, sa harap ng bahay ni Clifford Qiuitalig.

Nang marinig ni Quitalig ang iyak ng aso ay napalabas ito at doon ay kanyang sinita kung bakit nasagasaan ang aso.

Sa insidenteng iyon ay naging mainit ang pagtatalo ng dalawa kaya binaril ng tanod ang obrero.

Nang bumulagta ang biktima ay tumakas ang tanod.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing pamamaril. IRENE GONZALES

Comments are closed.