TARLAC – ARESTADO ng mga awtoridad ang isang barangay tanod na kabilang sa high value target ng pulisya na kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa bayan ng Concepcion.
Sa report na ipinadala ni Supt. Augusto Pena Pasamonte kay PNP Provincial Director, Sr. Supt. Richie Posadas, kinilala ang nadakip na suspek na si Jesus Erese Y Cabilin 46-anyos, brgy. tanod ng St. Jude, Brgy. Alfonso.
Nadakip ang tanod sa pamamagitan ng buy bust operation makaraang magpanggap na buyer ang isa sa mga awtoridad.
Nabatid na kabilang sa high-value target ng PNP ang naturang tanod na matagal nang under surveillance ng mga tauhan ng drug enforcement unit.
Nakuha mula sa suspek ang hindi pa mabatid na gramo ng hinihinalang shabu.
Samantala, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec.5,11 art-ll RA 9165 ang suspek. THONY ARCENAL
Comments are closed.