ISABELA – ISANG ama ng tahanan at barangay tanod ang nagbaril noong Miyerkoles ng gabi sa Purok 6, Barangay Salay, San Agustin.
Kinilala ni P/Capt. Prospero Agonoy, Hepe ng San Agustin Police Station, ang biktima na si Athuro Manuel, 57-anyos, sa nasabing Barangay.
Sa imbestigasyon ng PNP San Agustin, unang dumulog sa kanila si Brgy. Chairman Efren Matias upang iulat ang insidente.
Sa pagresponde ng awtoridad, nakita nila sa loob mismo ng tahanan ng biktima na duguan at wala nang buhay dahil sa isang tama ng bala ng baril sa kanyang bunganga.
Ayon sa kanyang asawa na si Marilyn Manuel tinangka pa umano nitong awatin ang asawa sa pagpapakamatay nito subalit sa bilis ng pangyayari ay hindi na nito naawat ang biktima.
Pahayag pa ng asawa ng biktima na isa sa pinaniniwalaan kaya nagpakamatay ang kanyang asawa ay sa pinansiyal na problema. IRENE GONZALES
Comments are closed.