PARA sa isang nahirang na Time Magazine Person of the Year (2018) at Nobel Peace Prize awardee (2021) dahil sa kanyang online media outfit na Rappler, na umano’y disipulo ng katotohanan at kalaban ng fake news, maaaring in poor taste ang ginawa nito sa isang online presidential survey nito kung saan pinapanalo si Bise Leni Robredo.
Ang siste, nang busisiin ng mga netizen at vlogger ang online survey ng Rappler, nalamang hindi tugma ang numero ng resulta sa aktwal na numero ng nagbigay ng reaction sa survey na siyang basehan sa pagbilang ng mga “boto” ng bawat presidentiable.
Bukod pa sa hindi nag-tally, marami pa sa mga bumoto kay Robredo ay pawang mga Facebook account ng mga foreigner sa Middle East at India.
Bilang administrator ng Facebook Philipines, hinihinala tuloy na maaaring ginamit ng Rappler ang mga inactive accounts at maaaring mga deactivated fake accounts sa FB upang ipamboto kay Leni sa kanilang online survey.
Dahil sa pagka-bulgar ng sinasabing pandaraya at dahil na rin sa dagsang pagkondena ng mga netizen sa ginawa nitong panlilinlang, pasimpleng binura nito ang survey.
Ang tanso ay lalabas at lalabas kahit ipagpilitan pa itong ginto. Ganyan ang nangyari kay Maria Ressa, matapos matanggap ang Nobel, e tanso pala naman talaga.
Taong 2012 nang unang pumailanlang ito online, giniba si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, ‘yan ang unang dugo na natikman ng Rappler. Naging defender din ito ng administrasyon ni Noynoy Aquino at ngayon nga’y kritiko ng administrasyong Duterte.
Nalaman ng taumbayan na funded pala ang Rappler ng mga banyaga na taliwas sa Saligang Batas. Ironic din na ang Rappler ang bantay ng Facebook laban sa fake news ngunit mukhang ito mismo ay source rin ng fake news.
Mukhang malayong makonsiderang objective media ang Rappler, sa ginagawi nito ay parang isang blog lamang siya na ang itinutulak ay sariling huwisyo lang ng CEO nito na si Ressa at hindi talaga kapakanan at karapatan ng mamamayan.
Matapos ang nabuking na panghuhuwad sa sarili nitong survey, makakaloko pa kaya ito? Panloloko ba talaga ang formula ng Rappler upang maituwid ang panloloko ng ilang mga nakaupo sa gobyerno?
Ang pintalas na mga pangil ng Rappler dahil sa dugo ni Justice Corona ay hindi ba nabungi ng pagkakalantad ng panlilinlang nito?
145586 944312Thank you pertaining to giving this outstanding content material on your web-site. I discovered it on google. I may possibly check back again in case you publish extra aricles. 953763
122505 917718Aw, i thought this was an extremely excellent post. In concept I would like to invest writing in this way moreover – taking time and actual effort to manufacture a quite very good article but exactly what do I say I procrastinate alot and no indicates apparently go completed. 992021
554031 609348Depending on yourself to make the decisions can actually be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes a lot more than just happening to happen. 912455