PORMAL na ibinahagi ng SM Prime, sa pamamagitan ng SM Foundation ang isang two-storey, four-classroom school building sa Punta Elementary School (PES) sa Tanza, Cavite noong Nobyembre 20.
Ang mga naturang classroom ay maaari nang gamitin ng Grade 2 pupils kapag humupa na ang pangamba sa Covid-19 pandemic.
Ayon kay Dr. Gloria Casiano, principal ng eskwelahan, malaki ang maitutulong ng SM school building sa kakulangan ng mga classroom dahil bago pa man ang Covid-19, madalas na nilang gamitin ang covered court para magklase at makatulong din umano ito na tumaas ang ratio ng kakulangan sa classroom ng mga estudyante na 1:50.
“We are overwhelmed and thankful to SM Foundation and SM Prime for continuing with the project despite the COVID-19 pan-demic. This school building will serve as a haven in nurturing the young minds of our Puntaceño learners,” pahayag ni Dr. Casiano.
Sinisiguro naman ng SM na ang kanilang school buildings infrastructure ay full-furnished, PWD-friendly at emergency-ready. Malaki rin ang partisipasyon ng mga miyembro ng Foundation of These-Able Persons para gumawa ng nga desk ng titser at armchairs ng mga estudyante. Sa ganitong paraan, nahihikayat ng SMFI ang mga PWD na maging economically self-sufficient at maipamalas ang kanilang kahanga-hangang kontribusyon sa pagbuo ng bansa.
Para sa kapakanan ng lahat, kasama sa kanilang ipinagawa ay library hub, guidance at counseling room at clinic na mayroon iso-lation room kung maaari ng bigyan ng pa unang-lunas ang estudyante kapag nakararamdam ito ng unang sintomas ng sakit.
Naglagay din ang SM school building ng 10-faucet handwashing area na layong makahikayat na na laging maaghugas ng kamay sa komunidad at makaiwas sa pagkahawa ng delikado ng virus at sakit.
Itinatag ang PES noong 1937 aatisa ito sa pinakalumang eskwelahan sa munisipalidad na mayroon 5-year-old na puno sa loob ng campus.
Dahil dito, nais din ng SM Foundation na maipakilala ang kultura ng pagpapahalaga sa kalikasan kaya ginawa nila ang lugar na isang “study garden” o “green space” sa pamamagitan ng paglalagay ng mga table at bench sa paligid ng puno dahil batid ng SM na malaki ang maitutulong nito sa para mabawasan ang stress sa kabataan, mapabuti ang mental health, magkaroon ng concentration at environmental awareness — bukod pa sa pagbibigay sa mga estudyante at guro ng karagdagang lugar para matuto.
Nakatakda ring makatanggap ng fully-furnished school building ngayong taon ang Basud Elementary School sa Sorsogon City at Banisil Elementary School sa General Santos.
Ang SM Foundation, sa pamamagitan ng kanilang School Building Program, ay aktibong partner ng program ng DepEd na Adopt-a-School. Layunin ng ganitong inisyatiba ay makapagbigay ng de-kalidad na edukasyon sa publiko sa pamamagitan ng pagpapatayo ng classrooms sa buong bansa.
Comments are closed.