‘KALA n’yo, baboy at baka lang ang tinatapa? Naku, pwede na rin po ang manok, at ituturo ko sa inyo kung paano ito pagkakitaan.
Sobrang mahal ng karne kaya saying kung itatapon lamang kapag nasira. At ang manok pa naman, napakadaling kapitan ng salmonella, kaya tuturuan ko kayo kung paano ito patagalin kahit wala kayong ref o freezer. Sa totoo lang, ito yung tinatawag na old fashion way. Ginawa na rin ito ng mga ninuno natin noong hindi pa uso ang ref. Kaso, nauso nga, kaya nakalimutan. Ipaaalala ko lang po sa inyo kung paano ito gawin.
Sa mga ingridients, bumili ng isang kilong manok – kahit pa frozen. Mas mura po kasi ang frozen, P120/kilo lang. Yung fresh, P180-210 per kilo.
Hatiin po ito sa laking gusto ninyo. Pwede pong alisin ang buto at pwede namang hindi na. Ako po, hindi ko na inalis ang buto para menos sa trabaho. Saka isa pa, binayaran ko rin yon kaya kasama siya sa timbang.
Iba-iba po ang paggawa ng tapa. Yung iba, nilalagyan lang ng asin at paminta. Yung sa’kin po, bukod sa asin at paminta, nilagyan ko rin ng toyo, ketsap, sibuyas at bawang para mas malasa. Pereo syempre, hugasan munang mabuti ang manok at alisin ang balat. Hindi po kasama ang balat sa pagtatapa.
Ibabad po ito ng dalawang oras at pagkatapos ay pakuluan ng 10 minutes. Huwag pong palalampasin sa 10 minutes dahil baka sumobra ang lambot. Gusto po lamang nating lumasa ang mga sangkap sa karne.
Kapag napakuluan na, patigisin muna ng ilang oras. Mas mabuti kung patitigisin ng 24 hours para tuyong tuyo, hindi kayo masyadong mahihirapang itapa ito.
Kinabukasan, ibilad po ito ng direkta sa araw. Lagyan ng kulambo para hindi langawin. Medyo matagal po ang pagpapatuyo. Aabutin po ito ang apat hanggang limang araw. Pero kung meron po kayong oven, ilagay ito sa pinakamahinang init at i-oven ng magdamag. Pareho rin po ang magiging resulta, kaya lang, magastos sa kuryente.
Kapag tuyo na, magiging 600 grams na lamang ang isang kilong manok, kasama ang buto. Kung walang buto, aabutin lamang ito ng 400 grams.
COSTING
Sa puhunang P120 sa manok, P10 sa iba pang ingridients, aabutin ng P130 ang puhunan. Dagdagan natin ng P70 na labor cost kaya aabot sa P200 ang puhunan. Lumalabas na P50/100 grams na puhunan. Pwede itong ibenta ng P100 per 100 grams kaya lalabas na P400 ang mapagbibilhan o tutubo kayo ng kalahati. Tatagal po ang tapang manok ng isang taon kahit wala sa ref. Mas marami kayong gagawin, mas Malaki ang inyong kita. Kahit pa magmahal uli ang presyo ng manok, hindi kayo mamomroblema dahil may nakahanda kayong karne sa pantry.
Sa paraan ng pagluluto, ibabad muna ng ilang minute ang karne sa tubig bago iprito. Pwede rin itong lutuin sa iba pang paraang nais ninyo. Halimbawa ay, afritada, adobo, o panghalo sa gulay.
Kung mayroon naman kayong grinder, pwede itong gawing chicken powder na maaaring ihalo sa noodles, pancit o anumang pwedeng paghaluan ng manok.
Magkita tayong muli sa mga susunod na labas ng Negosyo online sa Pilipino Mirror. Kung mayroon kayong mga tanong o may recipe kayong gustong ipa-feature, sumulat po lamang sa [email protected]. NENET L. VILLAFANIA
133313 99865Outstanding post, I conceive folks ought to larn a good deal from this internet internet site its truly user genial . 307452
938969 684244There is noticeably a good deal to realize about this. I suppose you produced certain nice points in attributes also. 825857