TAPANG NG GAME FOWL INDUSTRY SA KABILA NG PANDEMIC KINILALA

Senadora Cynthia Villar-8

PINURI ni Senadora Cynthia Villar ang tapang ng mga organi­zer ng 8th International Game Fowl Festival upang panatiliing nagliliyab ang game fowl industry sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“This opening of the game fowl industry doors this year hopes to bring together leading game fowl breeders, pigeon raisers, exotic animal hobbyists, ve­terinary and nutrition suppliers, game fowl suppliers, pigeon suppliers, pigeon fanciers, incubators, feed manufacturers, and related products and services catering to game fowl, pigeon raising and exo­tic animals,” ayon kay Villar base sa mensaheng binasa ng kanyang anak na si Deputy Speaker Camille Villar.

“You have also included a reptile expo which will showcase reptiles and other exo­tic animals,” sabi pa ng chairperson ng Senate agriculture committee na Guest Speaker sa  three-day event na nagsimula nitong Pebrero 25 sa World Trade Cen­ter, Pasay City.

Bagaman umaasa sa mas mabuting taon, binanggit din ng senadora na kailangang ibalanse ang vaccination program para protektahan ang mga tao laban sa COVID-19 at bigyan sila ng pagkakataong  magkaroon ng disenteng hanapbuhay upang suportahan ang kanilang pamilya.

Inihayag din ng senador na matindi ang epekto ng pandemiya sa game fowl sector dahil sa mga limitadong kilos bunga ng community quarantines.

Iniulat ng game fowl industry ang mala­king pagkalugi sanhi ng Covid-19 pandemic.

“The sales of “ready-to-fight” game fowls in 2020, which dropped due to limited movements and restrictions brought by the community quarantines, was huge amounting to billions of pesos. This included a sales drop of 50 percent to the P30-billion feeds industry and a loss of around P15 billion to the veterinary products sector,” sabi pa ng senadora.

Binanggit din nito ang pagsasara ng mahigit 3,000 sabungan sa buong bansa. Sanhi nito, marami ang nawalan ng trabaho sa sabungan kabilang na ang  cockpit vendors, farmhands, at kawani ng mga kumpanya ng feeds, veterinary supplies at farm equipment.

“As the quarantine restriction eases, the cockpit arenas hope to reopen and contribute to the revival of the economy,” sabi pa ni Villar.

Iginiit niya na dahil sa alituntunin ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Diyembre 14, 2021, nahinto ang sabong sa mga lugar na  Alert Level 4, 3 at 2.  Hindi pinayagan ang sabong dahil sa high risk ito sa pagkalats ng virus.

Dahil dito , sinabi ni Villar naging makabago ang sabong kaya ginagawa na ito sa  “online via mobile or desktop.”

“In fact, enthusiasts are now into e- sabong, while the operators keep innovating. There are licensed sites, and bettors can watch the game via live-stream,” ani Villar.

Sa ngayon, sinabi ng senador na hamon sa e-sabong ang magkaroon ng legal platform bunga ng kontrobersya sa sports na ito na kamaakailan lamang ay inimbestigahan ng Senado. VICKY CERVALES