TAPATAN NINA MARIAN, JOSE, WALLY AT AI AI INAABANGAN NA

SA pagdiriwang ng ikatlong taong pamamayagpag ng Sunday PinaSaya bilang No. 1 noontime habit ngshowbiz talk mga Pinoy, patutunayan ng apat na hosts na sina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola at Ai Ai delas Alas kung bakit matibay ang samahan ng buong cast. Titimbangin ang kanilang teamwork, pagiging competitive at creativity nila dahil pasabog ang magiging selebras­yon sa Agosto 5.

AIAI-JOSE-WALLYKanya-kanyang team ang apat na main hosts, at magtatapatan sila kung kaninong performance at gimik ang pinakapatok sa audience. Excited ang buong cast sa magaganap na tapatan dahil lahat sila ay ibinubuhos ang performance level. Sino kaya sa Team Marian, Team Jose, Team Wally at Team Ai Ai ang magwawagi?

Abangan ang grand performance nila ngayong Agosto 5 sa Sunday PinaSaya, at wag kalimutang tutukan ang kanilang pag­hahanda na ipasisilip nila tuwing linggo!

GIAN MAGDANGAL MEMORABLE ANG MUSICAL

MEMORABLE kay Gian Magdangal  ang musical stage play, #Ang Huling El Bimbo na hango sa mga awitin ni Ely Buendia na ngayo’y ipinalalabas sa Resorts World Manila’s  Newport Theater.

Pahayag ni Gian afer the gala night aniya, “Se­cond ko itong pinakamahirap, mabibigat ang mga eksena. Kailangang lagi akong luluha. May taong namatay na hindi na rin iba sa iyo sa istorya. Ang  Noli Me Tangere play ko rin ang mahirap ko pang nagawa. ‘Yung bang mabigat lagi sa dibdib ang eksena.”

Para kay Gian, dapat maibigay niya ang tunay na emosyon sa bawat kanta niyang ibinibigay. Laging mayGIAN MAGDANGAL feelings siyang ipinadarama sa lahat ng nakakapanood at nakaririnig sa kanya. Nagka-Best Actor si Gian mula sa Gawad Buhay para sa lead performance niya in a musical para sa role sa Jack Kelly in Globe Live and 9 Works Theatrical’s Disney’s Newsies.

Aniya: “Feeling ko  bawat eksena lagi akong uhaw. Ganyan naman pag­lagi kapag umiiyak.”

Sa buong cast ng musical play na idinirek ni Dexter Santos, lahat naman ay ibinigay nila ang kanilang galing sa pag-awit. Lalo na ang female lead star na si Tanya Manalang bilang young Joy. Veteran din sa stage play si Tanya.  Tulad ni Gian, more than 20 stage plays na rin ang nagampanan niya. Pinaka-memorable sa kanya ang pagpunta niya sa West End sa revival ng Miss Saigon (2014-2016). Sa PETA’s play Rock of Aegis lumabas siya bilang si Aileen, nagka-award siya sa role na iginawad ng GEMS Awards for Best Actress in a Musical.

#gianmagdangal #tanyamanalang #direkdinodomingo #direkdextersantos #anghulingelbimbo #elibuendia #noelasinas

SONA COVERAGE NG GMA NETWORK MAS TINUTUKAN

AS expected, mas ma­raming viewers ang tumutok sa coverage ng GMA 7 ng third State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte last Monday, July 23.

Nagtala ng 7.1 percent na overnight people rating sa NUTAM (National Urban Television Audience Measure) ang “SO-NA 2018 The GMA News Special Coverage” habang 5.7 percent lamang ang nakuha ng coverage ng ABS-CBN. Consistent winner talaga ang Kapuso Network pagdating sa mga ganitong kalalaking coverage. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil mas pinagkakatiwalaan ng publiko ang Kapuso Network pagda­ting sa paghahatid ng mga importanteng kaganapan mapaloob o labas man ng bansa. Kumbaga, staple na sa tahanan ng mga Pinoy na sa GMA7 manood ng mga mahahalagang event tulad ng SONA.

Comments are closed.