MAY rolbak sa presyo ng diesel at kerosene ngayong linggo, habang walang paggalaw sa gasolina.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kanilang diesel ng P0.25 kada litro at ng kerosene ng P0.15.
Magpapatupad din ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustment, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang rolbak ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustment sa alas-8:01 ng umaga sa parehong araw.
Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang Oktubre 20, 2020, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net decrease na P4.67 kada litro para sa gasolina, P10.01 kada litro sa diesel, at P13.44 kada litro para kerosene.as of October 20, 2020.
Comments are closed.