MAGBABAWAS ng presyo ng kanilang produktong langis ang ilang kompanya bunsod ng pagmura ng krudo sa pan-daigdigang merkado.
Ayon sa SEAOIL, magpapatupad sila ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at kerosene at P2.10 bawas sa kada litro ng diesel simula alas-6 ng umaga ng Lunes, Disyembre 3.
Sa Martes, Disyembre 4 naman magpapatupad ang PTT Philippines, Caltex at Shell ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at P2.10 bawas sa kada litro ng diesel habang ang Caltex at Shell ng P2 sa kada litro ng kanilang kerosene.
Tatapyasan naman ng Petro Gazz ng P2 ang kada litro ng kanilang diesel at gasolina simula Martes.
Naunang magpatupad noong tanghali ng Sabado ang Phoenix Petroleum ng P2 tapyas sa kada litro ng gasolina at diesel.
Bukod pa rito, simula rin noong Sabado ay nagpatupad ng bawas sa liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron Gasul at Fiesta Gas – P6.40/kg rollback (P70 less per 11kg) Petron AutoLPG – P3.50/liter rollback , Solane – P6.36/kg rollback (P69.96 less per 11kg), at EC Gas LPG – P6.50/kg rollback (P71.50 less per 11kg). BENJARDIE REYES
Comments are closed.