TAPYAS SA PETROLYO, LPG IPINATUPAD NA

IPINATUPAD na ang doble-dobleng tapyas sa presyo sa langis at liquefied petroleum gas (LPG) ng ilang kompanya simula kahapon, Sabado.

Hatinggabi pa lamang ay nauna na ang Phoenix Petroleum na mag-rollback sa petrolyo.

Narito ang rollback price: Gasolina — P1.75 kada litro;

Diesel — P1.05 kada litro.

Inaasahang susunod nang mag-aanunsiyo ang iba pang kompanya.

Batay sa estimate ng ilang taga-industriya, maglalaro sa P1.75 hanggang P1.85 ang ibinagsak sa presyo ng imported gasoline, P1.05 hanggang P1.15 naman sa diesel, at P0.95 hanggang P1.00 sa kerosene.

Big-time din ang rollback sa LPG na ipinatupad din kahapon.

Nasa P6.25 kada kilo ang rollback ng Petron Gasul o katumbas ng bawas na mahigit P68 sa kada regular na tangke.

Pati ang auto-LPG ng Petron, ibinaba rin ng P3.45 kada litro.

Pareho lang din ang rollback sa LPG at auto-LPG ng Phoenix.

Samantala, P6.0 kada kilo lang ang bawas ng Solane LPG.

Comments are closed.