TARA! MAG-NEGOSYO TAYO

ONLINE SHOPPING-3

(Ni AIMEE GRACE ANOC)

SA HIRAP ng buhay ngayon at sa patuloy na ­pagtaas ng mga bilihin, hindi pupuwedeng wala tayong ­magpakakakitaan man lang. Kailangang gumawa tayo ng paraan sa ikauunlad ng ating pamumuhay. May trabaho man o wala, hindi ito hadlang upang makapag­simula ng negosyo kahit na sa maliit na puhunan.

Katunayan, marami ng mga kilalang tao ngayon na nagsimula lamang sa isang maliit na negosyo. Tulad ng kilala nating SM ni Henry Sy Sr., Jollibee ni Tony Tan, JG Holdings ni John Gokongwei Jr., National Bookstore ni Socorro C. Ramos, Mercury Drugstore ni Mariano Que, Zesto-O ni Alfredo M. Yao at marami pang iba. Kilala sila sa tinatawag na “from rags to riches” at dahil sa pagsusumikap sa buhay at matin­ding determinasyon ngayon ay hindi lang ang kanilang pamumuhay ang nabago kundi ng marami pang mga Filipino.

Kung ating sasaliksikin ang lagay ng bansa ngayon sa pagnenegosyo ay patuloy na umuunlad ang Filipinas dahil sa small and medium-sized enterprises (SMEs). Mahalaga na may kaalaman tayo sa entrepreneurship sa pag-uumpisa ng ating negosyo upang hindi masayang ang paghihirap na ilalaan natin dito.

Marami ng seminars tungkol sa pagnenegosyo ang patuloy na nagbibigay inspirasyon at kaalaman sa pagsisimula ng negosyo gamit ang maliit na puhunan na maaari nating daluhan. Kailangan natin ng gabay sa simula at mga pagpaplano para sa ikatatagumpay ng papasuking hanapbuhay. Narito ang ilan sa mga patok ngayong maliliit na negosyo na hindi gaanong nangangailangan ng malaking puhunan.

Online Product Selling

Dahil sa patuloy na paglago ng teknolohiya, sa pamamagitan lamang ng kompyuter at internet ay maaari mo nang maipakilala ang iyong negosyo sa mas nakararaming tao. Kinakaila­ngan lamang na panatilihin mo ang tiwalang ibinibigay sa iyo ng iyong mga kostumer online at maging aktibo sa pagsagot sa kanilang mga kantunungan tungkol sa itinitindang produkto. Maari ring subukan ang mobile restaurant o mobile food kiosk na may pinakamurang opsiyon para sa food retail business. Nakadepende ang puhunan sa cart na iyong pipi­liin. Maaari kang magluto sa bahay at ibenta ito sa food cart o kaya naman maglagay ka na mismo ng maliit na kitchen sa iyong food cart kung saan puwede kang mag­luto kapag may umorder sa iyo online man o personal.

Food Delivery

DeliveryTulad ng mobile restaurant maaari ka ring magtayo ng food delivery business kung saan maaari kang mag­luto sa iyong bahay ng mga pagkain na maaari mong ialok sa bahay-bahay, opisina o maging sa maliliit na kainan. Sa pamamagitan lamang ng maliit na puhunan, bukod sa kumita ka na ay nakatulong ka pa sa iyong mga kostumer na wala ng oras para makapaghanda pa ng pagkain sa kanilang mga sarili.

Budget Clothing Shop

Mahihilig tayong mga Pinoy sa mga damit na gawa na at higit sa lahat ay abot-kaya. Kaya naman ang isa sa pinaka-patok na negosyo na maaari mong subukan ay ang budget clothing shop o ukay-ukay. Talaga namang dinarayo ng kahit na sinuman ang ganitong uri ng negosyo dahil bukod sa mura ay ma­rami ka pang mapagpipilian. Maaari ring subukan ang buy and sell used clothing sa online na maaari mong i-post sa iyong social media sites.

Hair Salon

Kung ikaw ay may kaalaman sa paggugupit ng buhok ay maaari kang magtayo ng salon business. Maaari ring dagdagan ito ng foot spa, pedicure at manicure, at make-up services. Hindi nito kailangan ng matinding investment dahil maaari kang magsimula muna sa ma­liit na puhunan hanggang sa magkaroon ka na ng sapat na puhunan na magagamit mo sa iba pang salon equipments at services.

Laundry at Dry Cleaning Services

Bacolod laundry shop - Moe's Laundry Lounge - blessing and dedicationIsa sa hindi mawawala sa isang lugar o komunidad ay ang laundry shop. Maaari kang magsimula sa tatlo hangaang limang washing at drying machines na magagamit mo sa iyong shop. Tulad na pag­luluto ng pagkain, isa rin ang paglalaba sa mga hindi na nagagawa ng mga taong abala sa kanilang mga trabaho at pamilya. Maaari ring dagdagan ang inyong serbisyo sa pamamagitan ng delivery service matapos na malabhan ang mga damit, paniguradong malaki ang kikitain mo.

Cellphone Loading Business

Isa ang loading business sa pinakapatok na negosyo na maaari mong simulan kahit na nasa bahay ka lamang. Halos lahat ng tao sa mundo ay mayroong cellphone, kaya saan ka man magpunta ay mayroong loading business ang mga tindahan at tahanan. Bukod nga naman sa murang puhunan ay pani­guradong kikita ka pa dahil ta­nging cellphone, sim card na may kakayahang mag-load sa ibang sim at load wallet balance ang iyong kakailanganin sa ganitong uri ng negosyo.

Ilan lamang ito sa mga negosyong maaari mong simulan sa pamama­gitan ng maliit na puhunan. Tandaan! palaging pagka-­ingatan ang tiwalang ipinagkakaloob ng inyong mga kostumer. Halina’t magsimulang magnegosyo para sa ikauunlad ng ating buhay.