NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang smuggled na 119 piraso ng live tarantulas na nagmula pa sa bansang Poland.
Ayon sa impormasyon, ipinadala ito ng nagngangalang Michal Krolicki ng Poland sa isang residente ng General Trias, Cavite at itinago ito sa loob ng sapatos.
Idineklara ito bilang mga “buty” sa salitang polish na ibig sabihin ay sapatos upang iligaw ang mga tauhan ng Customs at malayang makalabas sa bakuran ng NAIA.
Ngunit nang dumaan ito sa 100 percent eksaminasyon, nadiskubre na ibat-ibang species ng live tarantulas ang laman ng parcel at itinago ang mga ito sa loob ng magkakaibang plastic.
Agad naman itong inilipat ng BOC sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU) para sa proper handling at disposal.
Ayon sa report, ang Tarantulas ay classified bilang endangered wildlife species kaya’t ang illegal wildlife trading nito ay may kaakibat na kaparusahang anim na buwan pagkakulong at multang aabot sa P10,000.00 hanggang P200,000.00.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act); “unlawful importation is penalized with not less than thirty (30) days and one (1) day but not more than six (6) months or a fine of not less than 25,000.00 ngunit hindi lalampas sa 75,000.00, pesos,” batay ito sa kantidad o halaga ng smuggled tarantulas kasama ang duties at taxes na babayaran sa pamahalaan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.